Sponsored Links

Nakakatuwang sariwain ang mga panahon kung paano nagkakilala ang isang mag-asawa. May iba na inabot ng ilang taong ligawan, away-bati, mga tampuhan, at mayroon din naman na parang pagtagpo talaga ng tadhana at sa maiksing panahon lamang ay naging komportable sa isa’t-isa, nagkaibigan, at nagkatuluyan na humantong sa kasalan.

credit to Melodie Garcia Lanticse

Samantala, isang kakaibang kwento ang kinabiliban mula sa love story ng isang couple. Sina Edil John Lanticse at Melodie Garcia Lanticse ay nagsimula lamang bilang childhood sweethearts ilang taon na ang nakaraan, ngunit nagkahiwalay ng landas sa matagal na panahon dahil lumipat sa ibang lugar ang pamilya ni Melodie.

Noong January lamang ay ikinasal ang dalawa na kapwa 32 taong gulang. Ngunit labis na bumilib ang mga netizens na nakabasa ng kanilang kwento ng kanilang napagandang love story.

credit to Melodie Garcia Lanticse

Sa Facebook post ni Melody, ibinahagi nito ang lumang larawan na nakuha noong sila ay bata pa lamang. Isang napaka-cute na larawan ng kanilang kabataan kung saan nakabihis silang dalawa ni Edil at tila  mayroong okasyon dahil may hawak-hawak na bulaklak si Melodie at hinahalikan sya ni Edil sa mukha.

credit to Melodie Garcia Lanticse

Noong 2017 lamang umano sila muling nagkaroon ng pag-uusap dahil sa social media. Sa pagkahaba-haba ng panahon ay nahanap ni Melodie si Edil sa Facebook. Noong simula umano ay wala pa silang kilig na nararamdaman sa umpisa. Sa tuloy-tuloy na pag-uusap ay muli na bumalik ang saya sa kanilang mga puso at umusbong ang pagmamahal sa isa’t-isa ka kabila ng napakatagal na panahon na hindi nagkasama at nagkita.

credit to Melodie Garcia Lanticse

“It’s worth the wait 20 years of not seeing each other and we ended up in each other’s arms!” pahayag ni Melodies a kanyang post at ibinahagi ang larawan ng kanilang kasal noong Hunyo na naganap sa kanilang bayan sa Cebu City.

Talagang kapag kayo ang nakatadhana sa isa’t-isa, kahit anupaman ang mangyari, ilang taon pa man ang lumipas, babalik parin kayo sa isa’t-isa.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here