Sponsored Links

May mga taong likas na matulungin at hindi naghahanap ng anumang kapalit. Marahil madaling tumulong kapag kilala mo ang iyong tinutulungan. Ngunit nanaisin mo kaya na tulungan ang isang estranghero at patuluyin sa iyong tahanan? Marahil ay magdadalawang isip ka muna.

Samantala, isang kahanga-hangang pagtulong ang ginawa ng mag-asawang Raymund at Reche Adopante sa isang Amerikanong si Dustin Borglin.

Si Dustin ay napag alamang isang vlogger na nastranded sa Cebu dahil inabutan ng pandemya at nagkaroon ng lockdown sa lugar kung saan sya naroon. Hindi lamang ito ang unang beses ng pagpunta ni Dustin sa Cebu dahil noong 2016 ay nakabisita na sya sa probinsya ng Cebu at nabighani sa ganda nito. Kaya naman, ninais nitong bumalik ulit at sa hindi inaasahan ay magkakaroon ng pandemya.

Hindi naman nagkait ng tulong ang pamilya nila Raymund at ipinatuloy nila si Dustin sa kanilang tahanan at pansamantalang kinupkop. Subalit hindi naging pabigat ang pagtuloy ng Amerikano sa kanilang tahanan bagkus ito ay naging isang malaking tulong pa sa kanila.

Hindi nagdalawang isip ang Amerikano na tulungan ang pamilya na kumupkop sa kanya at pinaayos nito ang kanilang bahay dahil sa kabaitan na ipinakita sa kanya noong siya ay namamalagi sa kanila.

Malaking pasasalamat ng pamilya ni Raymund kay Dustin. Bukod pa sa kanila, naging malaking tulong din si Dustin noong kasagsagan ng pandemya dahil siya ay namimigay ng pera at ayuda gamit ang perang kinikita sa pagiging vlogger.

Nagpatayo din si Dustin ng isang public CR para sa komunidad kung saan nakatayo ang bahay nila Raymund at Reche. Ayon sa kanya, nais nyang may maayos na palikuran para sa mga tao doon na walang kakayanan na magkaroon ng maayos na palikuran.

Talaga namang kahit hindi umasa na may kapalit ang pagbigay ng tulong at kabutihan, ay kusa lang itong bumalik sa taong may busilak ang damdamin na tumulong sa kapwa lalo na sa panahon ng kagipitan.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here