Sponsored Links

Isang nakaka-inspire na kwento ng pagkakaroon ng lakas ng loob ng isang netizen na lisanin na lamang ang kanyang trabaho at magtinda ng kape. Dati umanong Head IT ang netizen at dahil marami din syang mga kliyente sa kanyang part-time bilang isang photographer, nagkaroon sya ng pagkakataon na magnegosyo na lamang.

Sa kwento ng Facebook page na Mobile in MNL, ang naturang netizen ay binigyan umano ng napakaraming kape ng kanyang kliyente kaya naman ay naisipan nyang inegosyo ito.

“Ayaw ko nang bumalik sa pagiging corporate slave. Head ng IT ako dati pero nagsimula ako magbenta online. Photographer din ako, tapos may client ako na nagpa-product shoot na coffee. Binigyan ako ng napakaraming kape, so nagamoy coffee buong bahay naming”, pahayag nito.

Nainspire umano ang netizen sa isang coffee business sa Davao na The Coffee Mobile na nagbebenta ng kape gamit ang isang motorsiklo.

“Una, sinubukan ko sa Marcos Highway. First two weeks ko, wala akong sales. Ang bumili lang sa’kin, dalawa: kapatid ko, tsaka isang kaibigan ko. Tapos pinaalis ako ng guard do’n. So tinry ko sa ilalim ng tulay, tapos pinalipat ako ng guard dito”, kwento pa ng netizen.

Hindi naging madali ang kanyang simula ngunit kalaunan ay naging maayos din ang kanyang negosyo. Nagyon ay marami na syang katuwang sa pagbebenta dahil na rin sa itinatag niyang komunidad na pinangalanang “City Boy Crew”

“Dati, ako lang vendor dito. Ta’s no’ng nag-start ako, do’n na nagsulputan. Then gumawa ako ng community – City Boy Crew. Ngayon may shawarma na kami, tapos ‘yung nagba-busk.  Araw-araw, may dala akong thermos, water container, coffee equipment, tapos mga baso. May payong narin ako just in case umulan. Kasi naranasan ko dati, wala akong payong, tapos ‘yung ulan, pumupunta sa kape”, saad nito.

Dumami ang tumangkilik sa kanyang kape hanggang sa nakilala na ito. Dahil sa paglago ng kanyang kapehan, nakapundar na sya ngayon ng isa pang bike at trailer para dito.

“Ang nakakaoverwhelm: dinadayo ako ng mga taga Laguna, Cavite. May grupo na naka-motor galing sa Nueva Ecija. Hindi ko alam na magiging ganito. Kala ko talaga magiging simpleng vendor lang sa street”, kwento na nya.

Marami na din ngayon ang nag-ooffer sa kanya kung pwede sya makapag-franchise ng kanyang kape.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here