Sponsored Links

Napakalaking tulong ang nagagawa ng mga delivery riders sa paghahatid ng mga pang-araw-araw na pangangailangan ng marami sa atin. Kahit na sabihin nating kumikita naman sila at ito ang kanilang trabaho, nararapat pa rin na sila ay bigyang halaga at respeto dahil kung wala sila ay marami sa atin ang mahihirapan lalo na ngayong nasa panahon tayo ng pandemya.

credit to Michael Jamandre | Facebook

Samantala, isang delivery rider ang kamakailan lang ay naging viral dahil umano ay nagalit sa kanya ang isang customer dahil sa napakatagal na pagdating ng inorder nito. Subalit nagulat ang customer ng nalaman nito ang dahilan kung bakit ang tagal dumating ng rider.

“Solid nung nag deliver ng order ko. Una nagagalit pa ako kasi ba’t kako ang tagal halos 3hrs wala pa. Sabi lang ng rider basta dadating daw sya. Mag antay lang daw ako,” pagkukwento ng netizen na si Michael Jamandre na nagbahagi ng kwento sa kanyang Facebook.

credit to Michael Jamandre | Facebook

Biglang napawi ang galing customer ng nalaman nito na bisikleta lang pala ang service ng rider sa pagdeliver ng kanyang order. Nagpapadyak lang ito ng lumang BMX na bisikleta mula Binondo patungong Cavite na aabot ng 40 kilometro ang layo.

“Nung dumating ung rider bigla nawala inis ko. Una natawa ako tapus naawa ako. Grabi from Binondo papuntang Cavite eto lang gamit nya tapus ang rate 250pesos”, kwento pa ni Michael.

credit to Michael Jamandre | Facebook

Nagtaka naman si Michael kung bakit maliit lang ang charge ng rider kaya tinanong nito ang store owner kung ano ang usapan nila ng rider sa kanyang pagdedeliver.

Ayon sa store owner, mga tambay umano ang kanilang riders na binibigyan nila ng trabaho. “Sabi nung store yes sir mga tambay dito sa amin yan imbes na mag bisyo eh binibigyan namin ng trabaho. Ung rate daw na 250 eh binabase lang din nila daw sa lalamove rate kaya mababa para hindi din daw lugi ung mga buyer.” banggit ni Michael.

credit to Michael Jamandre | Facebook

Humanga naman si Michael sa store owner sa pagtulong sa mga tambay sa kanilang lugar, pati na rin kay kuya delivery na sobrang tyaga na magtrabaho.

“Para doon sa store saludo ako sa pag tulong nyo sa mga tambay sa inyo at doon sa nag dala ng item ko idol kita sana gayahin ka din ng mga ibang tambay sa inyo,” sabi ni Michael sa kanyang post.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here