Sponsored Links
Home Entertainment Filipina Celebrities you didn’t know have Super Rich Partners

Filipina Celebrities you didn’t know have Super Rich Partners

113611
Sponsored Links

Kapag nga naman sikat ang isang babaeng artista lalo na kung napakaganda at seksi, hindi malayong napakarami nitong manliligaw hindi lamang sa loob ng showbiz maging pati na rin sa labas nito. Karamihan nga sa mga ito ay negosyante kung hindi naman ay pulitiko o basta may sinasabi sa lipunan at hindi lamang basta-basta. Sa ganitong kaganapan mahirap para sa isang sikat na babaeng artista ang pribado nitong buhay lalo na kung pagdating sa pag-ibig. Kaya naman lahat ng mata ng publiko ay nakatuon sa buhay nito para lamang pag-usapan.

Kaya naman kilalanin natin ang ilan sa mga female celebrity na may kabiyak na mayroong marangyang buhay.

Gretchen Barreto

Si Greta o mas kilalang Gretchen Barreto, noon pa man ay isa na sa sikat na artista dahil sa angkin nitong kagandahan at karisma sa madla at sya rin ang nanay ni Dominique Cojuangco. Sa kasalukuyan si Greta ay partner ni Tony Boy Cojuangco sa mahabang panahon. Si Tony Boy ay mula sa angkan ng mayayamang negosyante, siya rin ay isang big boss ng isang kilalang TV network at dating Chairman ng Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT).

Zsazsa Padilla

Hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan si Zsazsa Padilla ay galing din sa may kilalang angkan bago nito napangasawa ang pumanaw na hari ng komedya na si Dolphy Quizon. Si Dolphy ay naging haligi na showbiz industry dahil sa mga patok na mga pelikula noon at hanggang mamatay ito.

Kalaunan matapos mabalo itong si Zsazsa, sya ay muling umibig sa isang Architect na si Conrad Onglao. Ang arkitektong si Onglao ay kilala sa Pilipinas dahil sa mgagandang desenyo nitong nagawa.

Kaye Abad

Si Kaye Abad ay bata pa lamang ay nag-aartista na at ngayon ay kasal kay Paul Jake Castillo na isa rin artista ngunit galing sa pamilya ng mga negosyante. Ang karaniwang produkto na makikita ninyo tulad ng Casino Alkohol, Bioderm, Efficascent Oil, YOBOB Lechon De Cebu, at marami pa ay mula sa kanilang negosyo. Ang International Pharmaceutical, Inc. na mayroong 14 na sanga sa Pilipinas ay pinamumunuan din ng kanyang pamilya.

Nina Jose

Siya ay nakilala sa pagiging housemates ni kuya sa programang Pinoy Big Brother ng isang network, matapos ang PBB lumabas din sya sa ilang programa pangtelebisyon. Ngayon si Nina ay asawa ni Mr Cezar Quiambao na isang Mayor din sa isang bayan ng Pangasinan, Ito rin ay bilyonaryo at kasalukuyang CEO ng Stardom Corporation.

Asunta De Rossi

Si Jules Carlos Ledesma IV o Jules Ledesma ay asawa ni Asunta De Rossi, ang artistang sumikat noong 90’s. Ang pamilyang Ledesma ay may sinasabing angkan sa probinsya ng Negros Occidental. Ang lugar kung saan pangunahing industriya ay asukal, bukod pa dyan ang asawa ni Asunta ay may malawak na lupain at iba’t ibang uri ng negosyo. Ito rin ay naging pulitiko kung saan naging kongresista ito sa isang lugar sa Negros.

Pauleen Luna

Pauleen Luna ay produkto ng Little Miss Philippines bago pa man ito naging artista at kalaunan naging asawa ni Bossing Vic Sotto. Alam naman natin kung anong pamilya mayroon si Bossing, noon pa man kilala na sya at ang kanyang pamilya mapa-showbiz man o pulitika. Sa ngayon ang mag-asawa ay bahagi pa rin ng Eat Bulaga kung saan ito ang longest running noontime show ng bansa.

Marian Rivera

Si Marian Rivera ay kapuso aktres na sumikat dahil sa galing sa pag-arte at pagkakaroon ng magandang mukha at hubog ng katawan. Ang kanyang kabiyak ay si Dingdong Dantes na isang kilalang artista at galing din sa kilalang pamilya. Si Dingdong ay isa ring producer bukod sa nagmamay-ari ito ng naglalakihang penthouse sa Quezon City.

Ilan lamang sila sa may partner o asawang may magagandang pamumuhay sa bansa. Kung mayroon pang iba kang kilala i-komento lamang sa ibaba.

Sponsored Links
Loading...

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here