Sponsored Links

Marami sa ating mga kababayan ang namumuhay pa rin sa kahirapan. Nangingibang bansa upang mag trabaho, alagaan ang ibang bata, at iniiwan ang sariling mga anak para lamang mabigyan sila ng mas magandang buhay, at mabigay ang kanilang mga pangangailangan.

Samantala, dahil sa pandemya, mas lalo pang naging mahirap ang buhay ng ilan sa ating mga kababayan. Bukod sa marami ang nawalan ng trabaho at hanapbuhay, may iba naman na nagtityaga sa mahirap na trabaho para lang may maitawid sa gutom ang pamilya.

Isang delivery rider ang naging viral dahil sa larawan na nakuha sa kanya. Nakitang kumakain ang isang Food Panda Rider ng kanyang baon na kanin at isang latang sardinas. Kakatapos lamang nito umanong mag deliver ng masarap na pagkain sa kanyang customer.

Minsan may mga customers pa na nagrereklamo kapag matagal dumating ang kanilang inorder, ngunit sa likod nito ay hindi natin nakikita ang kanilang pinagdadaanan, lalo na ang hirap at panganib ng kanilang trabaho.

Samantala, marami din naman ngayon ang mga balitang mga riders na naloloko ng mga fake customers. Kawawa sila at minsan ay sila ang umaabuno ng mga nasayang na orders. Maituturing natin silang mga frontliners ngayong pandemya dahil kung wala sila ay hindi natin basta-basta mabibili ang ating mga pangangailangan.

Kaya naman naantig ang puso ng marami sa larawan na ibinahagi sa Facebook ni Reneboi Caudillosa sa Facebook Page “LTO Alert 143 Bacolod” na nagpapakita ng patungkol sa Food Panda rider na nag uulam ng “555 Sardines” habang kumakain.

Umani ng maraming simpatya ang kalagayan ng rider. Marami ang naawa sa kanya, ang ilan naman ay saludo sa kanyang sipag, at tyaga sa trabaho.

Sana ay maging Mabuti tayo sa mga delivery riders lalo na at mahalaga ang papel na kanilang ginagampanan ngayon lalo na sa mga lugar na napasailalim pa rin sa quarantine at lockdown. Galangin natin ang kanilang trabaho at hirap.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here