Home News Marami ang nabigla sa pagkakansela ng isang customer, nang order nitong Money Cake matapos mapag-alaman na hindi libre ang laman nitong pera

Marami ang nabigla sa pagkakansela ng isang customer, nang order nitong Money Cake matapos mapag-alaman na hindi libre ang laman nitong pera

0
Marami ang nabigla sa pagkakansela ng isang customer, nang order nitong Money Cake matapos mapag-alaman na hindi libre ang laman nitong pera
Sponsored Links

Usong uso ngayon sa mga handaan ang samu’t saring pakulo kung saan ikinagugulat ng mga nagdiriwang ang mga ganitong uri ng supresa. Nariyan ang regalong payong na kapag binuksan ay may mga nakasabit na perang papel sa loob nito. Ang iba naman ay cake na may lamang pera sa loob nito, eto ngayon ngayon ang usong uso lalo na sa mga magulang na nagdiriwang ng kanilang kaarawan.

image for reference only

Ngunit kamakailan isang trending post ang mabilis na kumalat matapos ikansela ng isang customer ang order nitong Money Cake, dahil hindi pala libre ang nilalaman nitong pera. Marami sa ating mga netizen ang nabigla sa inasal ng customer. Ang istoryang ito ay ibinahagi ni Bea Manuel Sigua. Ayon sa kwento ni Bea may isang customer na gustong magpagawa ng Money Cake na may lamang sampung libo sa loob nito sa halagang P1500 ay babayran siya nito.

Ngunit ng malaman na ang Money Cake ay hindi kasama ang perang kalakip nito agad na nagkansela ang nasabing customer kaya naman dismayado ang Cake Maker na si Bea. Ayon pa sa kanya nadala na umano siya sa ganitong sistema, minsan na siyang nagpautang ngunit kinansela diumano ang kanyang ginawang Cake kaya naman nasayang lamang ang pagod niya dito.

Narito ang buong kwento ni Bea; “GUSTO MAGPAGAWA NG MONEY CAKE, PERO WALANG PERA?
Hindi po ako nag aabono sa money cake hindi po ako mayaman kung bawat money cake 1500 lang halaga tapos may laman na 10k e di na po ako magbebake oorder nalang ako ng money cake sa ibang baker. Pag money cake po kayo po magbibigay ng pera na ilalagay sa loob. Hindi po kami nag aabono don kasi last time na nag abono ako don nagcancel ng order yung client, nasayang effort ko mag withdraw, magpabarya at magbalot nakakadala na po talaga.

Sa panahon ngayon wala na atang libre kung hindi ang mangarap, lahat negosyo o serbisyo ay may kaakibat na halaga kaya naman dapat masusing alamin ang bawat ginagampanang kilos ng sa huli, lahat tayo ay hindi napeperwisyo.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here