Sponsored Links

Mahirap man ang buhay at maraming mga pagsubok subalit kapag nakatagpo tayo ng mga tao na may busilak ang loob na handang tumulong ay nagiging mas magaan ang anumang kabigatan sa buhay.

Katulad na lamang ng isang nakaka-antig sa damdamanin na eksena na nakunan ng larawan ni Patrick Mariano, na minabuting ibahagi rin ang kwento upang maka-inspire at makabigay goodvibes sa atin sa panahon ngayon.

Ayon kay Patrick, malakas daw ang ulan ng araw na iyon at nakita nyang may truck na huminto sa harap ng kanilang bahay. Nagtaka ito kayat sya ay sumilip sa bintana ng kanilang tahanan.

Nakita nito ang isang matandang lalaki na naka raincot at sombrero, at may face shield  na naglalako ng kanyang mga paninda sa kabila ng masamang panahon. Kahit na ito ay may suot na kapote, makikitang hindi parin komportable ang matanda sa lamig na dala ng malakas na ulan.

Ang matanda ay may tulak-tulak na isang ice box na nakapatong sa improvised trolley cart. Isa sa mga ikinabilib ni Patrick ay noong nakita nyang huminto ang mga sakay ng truck upang bumili ng paninda ng matanda.

Hindi lang sila bumili ngunit inubos nila ang paninda ng matanda upang makauwi na ito at makapagpahinga dahil sa umuulan noong araw na iyon.

“Shalom Organic Fertilizer, salute to you for reminding us that a small act of kindness can bring enormous impact on someone else,” wika ni Patrick sa kanyang post na binanggit ang pangalan ng kompanyang tumulong sa matanda.

“Seeing you do that gesture from a far without you knowing it inspired us to do better for other people. God sees your heart and may God bless your business MORE!” dagdag pa nito.

Marami din ang nagalit at nangamba sa kanilang nakita na nagtitinda pa ang matanda. Subalit napag-alaman na nais daw talaga ngmatanda na magtinda at hindi sya pinipilit ng kanyang pamilya. Iyon na daw ang nakasanayan nyang gawin at ilang dekada na din syang nagtitinda ng ice cream sa daan.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here