Home News Netizen, nagreklamo dahil sa Apple cellphone na inorder online, naging apple juice!

Netizen, nagreklamo dahil sa Apple cellphone na inorder online, naging apple juice!

0
Netizen, nagreklamo dahil sa Apple cellphone na inorder online, naging apple juice!
Sponsored Links

Napakalaking tulong ang nabibigay ng internet sa mga tao, lalo na sa komunikasyon, paghahanap ng mga mahahalagang impormasyon, pakikipag-transaksyon, pagbibili ng mga pangangailangan, at kung anu-ano pa.

Subalit, mayroon din namang mga negatibong mga maaring mangyari sa mga online na mga transaksyon lalo na at hindi mo naman nakakausap ng harapan ang iyong katransakyon. Maari kang maloko, at gumamit ng fake na account sa social media ang mga taong nanloloko.

Isa pa sa mga isyu sa pagbibili online ay ang pagkakaroon ng problema sa mga inoorder dahil minsan ay hindi eksakto sa naipost na larawan ang matatanggap na item, o kaya naman ay mali ang naipapadalang item sa bumibili.

Kagaya na lamang ng kentong ito ng isang netizen na si Liu mula sa Anhui Province sa East China. Si Liu umano ay umorder iPhone 12 Pro Max sa isang umano’y online Apple Store. Noong una ay nagdadalawang isip pa umano sya na umorder online lalo na at malaking halaga ang kanyang bibilhin.

Naghanap umano sya ng legit na store para mas masiguro ang kanyang online shopping. Nagkakahalaga ng 10,099 yuan ($1,550 or Php75,300) ang iPhone na binili ni Liu noon lamang nakaraang buwan. Pinadala naman umano ng Apple Store ang kanyang order sa pamamagitan ng Express Mail Service (EMS). Mabilis na dumating ang order ni Liu na inabot lamang umano ng dalawang araw.

“The courier said he put the package in a parcel locker in my residential community, and I didn’t complain,” sabi ni Liu.

Excited naman na tiningnan ni Liu ang kanyang locker para makita na ang kanyang bagong cellphone. Laking gulat lamang nito noong binuksan nya ay wala syang nakitang cellphone. Sa halip, ang laman umano ng box ay apple juice. Nainis si Liu at inireport sa police ang pangyayari.

Pinaiimbestigahan naman ng Apple ang pangyayari at inusisa din ng EMS ang kanilang record. Malaki ang suspetsa ng mga netizens na delivery rider umano ang may salarin sa pangyayari dahil sa mahal na halaga ng cellphone na binili.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here