Sponsored Links

Gaano ka tagal mo gustong mabuhay? Marahil lahat naman sa atin ay gustong humaba ang buhay kaya naman nag-iingat tayo sa ating lifestyle, sa pagkain, at mga iniinom.

Marami tayong ginagawa upang magkaroon ng malusog na pangangatawan, upang makaiwas sa sakit at humaba ang buhay. Pagkain ng wasto, tamang oras nang tulog, at ehersisyo. May iba namang umiinom ng mga food supplements sa paniniwalang malaki ang naitutulong nito sa kalusugan.

Subalit may isang sikreto na nakakatulong umano upang humaba ang buhay, at hindi pa ito nalalaman ng karamihan sa atin.

Ayon sa pananaliksik ng Yale University School of Public Health, maaring magkaroon ng mas mahabang buhay ang mga taong nagbabasa ng mahigit sa 3.5 na oras kada linggo.

Ang datos at pag-aaral ay ginawa sa 3 600 katao. Hinati sa tatlong grupo ang mga ito: una, mga taong hindi nagbabasa. Pangalawa, ang mga taong nagbabasa 3.5 hours kada linggo. Pangatlo ay mga taong nagbabasa ng mahigit sa 3.5 oras kada linggo.

Ayon sa resulta ng pananaliksik, mas mahaba ng 17 months o mahigit isang taon ang buhay ng mga taong nagbabasa ng mahigit sa 3.5 oras kada linggo kumpara sa mga taong hindi nagbabasa.

Dagdag pang nabanggit sap ag-aaral na mahalagang nobela ang binabasa dahil ito ay nakakapag-ehersisyo ito sa utak at pag-iisip ng isang tao.

Maaring hindi ka mahilig magbasa ng mga nobela, subalit pagkatapos mong malaman na ito ay may magandang maidudulot sa iyong buhay, ay maaring magbago ang iyong pananaw.

Hindi naman mahirap ang pagbabasa ng 4 na oras sa isang linggo. Maari ka lang maglaan ng 30-40 minuto kada araw sa pagbabasa. May mainam na itong libangan dahil wala ka namang gastos at pagod sa pagbabasa.

Maliban sa hahaba ang iyong buhay, nagiging mas matalino ang taong mahilig magbasa dahil nadadagdagan nito ang bokabularyo, napapalawak ang imahinasyon, at kaalaman ng isang tao.

{source}

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here