Home News Viral Tatay na tindero ng iba’t ibang produkto sa kalye, napagtapos ang kanyang anim anak sa kolehiyo

Tatay na tindero ng iba’t ibang produkto sa kalye, napagtapos ang kanyang anim anak sa kolehiyo

0
Tatay na tindero ng iba’t ibang produkto sa kalye, napagtapos ang kanyang anim anak sa kolehiyo
Sponsored Links

Nagsilbing inspirasyon sa maraming tao ang kadakilaan ng isang ama na ginawa ang lahat ng makakaya para lamang sa kanyang pamilya. Si Tatay Geronimo Tolibas Sr. na taga Caloocan City ay matatawag na ulirang ama sa kanyang ginawang sakripisyo para sa kanyang pamilya. Napagtapos nito ang kanyang mga anak sa kolehiyo, hindi lamang isa kung hindi anim na anak at pawang kolehiyo ang natapos.

Kwento ni tatay Geronimo halos labin limang taon na siyang laman ng kalsada sa paglalako lamang ng iba’t ibang produkto tulad ng pugo, mani, balot, facemask at kahit ano pang mapagkakakitaan. Mas ninais nya ang magtinda sa kalye kaysa mamasukan dahil para kanya hawak niya ang kanyang oras at hindi ka pa masisigawan ng amo kung sakaling may bagay na hindi akma kang nagawa. Sa kanyang karanasan mas mabuti na pagtitinda kaysa mangamuhan.

Samantala ang kanyang anim na anak ay nakapagtapos na ng pag-aaral mayroong nakatapos bilang guro, political science, psychology, accountancy at ang dalawa ay sa TESDA na ngayon ay may negosyong tahian. Tila hindi matatawaran ang nagawa ni tatay Geronimo sa kanyang mga anak kaya naman labis ang pasasalamat ng mga ito sa kanya. Naging masinop at masikap si tatay bagamat simple at payak ang kanyang hanap buhay hindi naman ito naging pabigat sa kanyang pamilya.

Sambit nga ng kanyang anak; “Sobrang pasasalamat sa kanyang ama at ramdam namin kung paano gumalaw ang isang Geronimo sa buhay namin”
Ayon naman kay tatay “Hindi naman ako naoobliga na maghanap-buhay yung routine ko na lang. Yung di ako mabuburyong sa bahay…” “Huwag mahihiyang maghanap buhay… Kung di kikilos hindi mabibigyan ng magandang buhay ang mga anak.”

Nakaagaw pansin ang istorya ni tatay Geronimo ng maipost ito ng isang netizens na si Karissa Mae, marami ang na-inspire sa kwento ni tatay kaya naman agad iton kumalat sa social media.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here