Home News Tips ng isang Ginang na baguhan sa pagtitinda ng Ice Candy, naging inspirasyon matapos makaipon ng 160K pesos

Tips ng isang Ginang na baguhan sa pagtitinda ng Ice Candy, naging inspirasyon matapos makaipon ng 160K pesos

0
Tips ng isang Ginang na baguhan sa pagtitinda ng Ice Candy, naging inspirasyon matapos makaipon ng 160K pesos
Sponsored Links

Sa panahon ngayon hindi na uso ang arte sa pagnenegosyo basta kumita sa marangal na paraan dapat subukan. Sadyang napakahirap ng buhay ngayon kung hindi ka mag-tyaga at mag-sikap magugutom kasama ng iyong pamilya. Kung nakitaan mo ng pagkakataon ang isang bagay dapat mo itong pagtuunan ng pansin, hindi mo mamalayan baka heto na ang magbibigay sa’yo ng ginhawa sa buhay.

imahe mula kay moreno red

Kaya naman kamakailan naging inspirasyon ang isang ginang sa kanyang naging nakamit na tagumpay. Dahil sa kung tutuusin wala halos siyang alam sa bagay na kanyang sinubukan ngunit nagawa niyang makaipon ng malaking halaga.

imahe mula kay moreno red

Dahil dito nagsilbing patok sa socialmedia ang kanyang kwento kung saan nailathala pa ito sa peso sense savers facebook group. Simpleng tips ang ibinahagi ni Moreno Red kung paano niya inumpisahan ang paggawa ng Ice Candy at unti unting nakaipon sa loob ng isang taon.

Marami ang humanga at naging inspirasyon ang ginawa ng ginang, at dahil dito sunod-sunod ang komento at katanungan kung paano niya nagawa ang bagay na ito. Narito ang kwento ni Moreno Red na kanyang ibinahagi.

imahe mula kay moreno red

“Mga ka peso ito napo ang ipon ko sa luob ng isang taon katas ng ice candy, mga ka peso habang nag babantay ako ng aming tindahan gumagawa ako ng ice candy araw araw maliban nalang kung masama ang pakiramdam ko o kaya eh may bagyo hindi ako maka gawa,

imahe mula kay moreno red

ang ginagawa ko sa luob ng isang araw dalawang kaserola isang mangga at isang buko, bawat kaserola ang nagagawa ko eh 165 pcs tapos ang benta ko 5 pesos isa kaya ang lumalabas na 825 pesos,

sa isang gawaan ko tumutubo ako ng 400 pesos eh dalawang gawaan yun kaya lumalabas ang tubo ko eh 800 pesos, kaya yung 500 ang hinuhulog ko sa lata at yung 300 nman tinatabi ko pang bayad sa koryente, tuwang tuwa ako kase sa pag tyaga ko naka ipon ako ng 160,500 peso,

imahe mula kay moreno red

kaya sa mga nanay kahit nasa bahay lang kayo kaya nyorin makaipon sipag tyaga lang talaga at disiplina pag datin sa pera, maraming salat po at sana maging ispirasyon itong ipon challenge ko nato, thank you po at happy new year sa inyung lahat,.”

Tila patunay nga ang kwentong ito ng isang ginang na kapag may tyaga ay may nilaga. Simpleng aral sa buhay ang kwentong ito kung saan may aral na makukuha basta gustuhin lamang natin ang isang bagay. Tandaan; “nasa Diyos ang Awa at nasa Tao ang Gawa”.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here