Ang Buhay ni Rhea Santos sa Canada matapos lisanin ang Karera dito saIsa sa maituturing na haligi ng tagahatid balita at kwentong buhay itong si Rhea Santos sa bakuran ng GMA Kapuso Network. Alam naman natin ang pagiging isang reporter o mamahayag lalo na kung ikaw ay isang field reporter ay nakataya ang iyong buhay upang matugunan lamang ang trabahong ito.
Nagsimula si Rhea Santos bilang segment producer hanggang sa pinasok nito ang ilang programa sa GMA at naging bahagi nga ng Unang Hirit sa halos 19 taon, bukod pa dyan siyan rin ay matagal nagbabahagi ng buhay at estado ng mga iba’t ibang uri ng personalidad dito sa ating bansa.
Ngunit kamakailan nga lamang ito ay nagpaalam at lilisanin na ang GMA at mga programa nito upang makapagbagong buhay sa bansang Canada. Napuno ng lungkot ang GMA sa desisyong ito ni Rhea, anya hindi nya naman tuluyang lilisanin ang pagiging mamahayag bagkus sa bansang pupuntahan niya ay ipagpapatuloy nya pa ito sa pamamagitan ng pag-aaral sa kursong Digital Journalism.
Ang tunay na rason sa kanyang pag-alis ay ang pag-aaral sa ibang bansa ng broadcast and online journalism sa British Columbia Institute of Technology. Bukod dyan nais niyang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga anak. Anya, nasa 40-anyos na ang kanyang edad ayaw nya naman palampasin ang isang bagay ng hindi nya ito sinusubukan.
Halina silipin ang kanyang larawan na nagpapakita ng kanyang buhay sa bansang Canada.

Ito ang post nya sa kanyang twitter account at sinasabi nya na dumating sila ng ligtas sa Canada.

Ang kanyang unang pamimili ng gamit, pagkain at ibang kakailanganin sa kanilang bahay. Nakasaad pa nga sa caption nito na ” Building our nest”

Relax muna at stay fit, ito naman ang kanyang routine kahit nasa Pilipinas to stay healthy and fit. “Taking advantage of the breezy sunshine”

Sabi nya nga napakaraming pagkain na pagpipilian sa kanilang lugar at hindi kana magluto ngunit ang kanyang mga anak ay namimiss ang ulam na sinigang. Kaya sa larawang ito pinakita nya nakahanap sya ng sinigang.

Ibinahagi din ni Rhea Santos ang kanyang First day in school.