Sponsored Links

Dog is a man’s best friend ika nga. Marami nang nakakatuwa at nakakabilib na mga kwento ang naririnig natin patungkol sa ating mga alagang aso. May mga tao na ayaw sa kahit anong hayop, mayroon namang bukal na sa kanilang puso ang pag-aalaga ng mga hayop kahit pa napaulot lamang nila ito sa kalye o nakita kung saan.

credit Irish V. Gella | Facebook

Kagaya na lamang ng kwentong ito sa Iloilo kung saan ang isang aspin ay pinagawan ng bahay nila Mr. and Mrs. Vince Longinos Cuachon kahit hindi nila ito alaga o pagmamay-ari.

credit Irish V. Gella | Facebook

Ibinahagi ni Irish V. Gella ang kabutihang loob ng mag-asawa para sa aspin na si Lotte. Si Irish mismo ang gumawa ng bahay ng aso, at ayon sa kanya ay hindi tinipid ang budget ng bahay ni Lotte kahit na ito ay isa lamang aspin. Ayon naman kay Mr. and Mrs. Cuachon, ayaw umanong sumilong sa loon ng kanilang bahay ang aspin, at mas pinili nitong doon sumilong sa ilalim ng sasakyan ng mag-asawa kaya naman naisipan nilang pagawan ng bahay ang aso.

credit Irish V. Gella | Facebook

Samantala, marami naman ang namangha kay Irish dahil kahit babae ito ay magaling itong gumawa ng gawain na kadalasan ay lalaki ang gumagawa, kagaya ng pagkakarpintero ng bahay ng aso.

credit Irish V. Gella | Facebook

Wala umanong pormal na pagsasanay si Irish sa pagkakarpintero pero nakahiligan lang nitong magkumpuni ng mga sira sa kanilang bahay, at tulong nya na rin ito sa kanyang asawang nagtatrabaho bilang DJ. Nawalan umano ng trabaho ang kanyang asawa dahil sa pandemya.

Dalawa naman ang pinagawang dog house ni Mr. and Mrs. Cuachon kay Irish dahil isa umano ay para sa kanilang alagang husky. Php 9,500.00 umano ang halaga ng dalawang dog house at nakatanggap pa ng tip si Irish dahil nagustuhan ng mag-asawa ang kanyang gawa.

credit Irish V. Gella | Facebook

Bukod sa tulong ni Irish sa asawa ang pagkakarpintero, naging daan umano ito upang malagpasan nya ang postpartum depression.

“Eto rin po naging paraan ko para labanan depression ko sa buhay. Yung stage na parang post partum na rin at anxieties ko.” Saad ni Irish.

Maliban sa dog house, marami na ang nagawa ni Irish na mga proyekto kagaya lamang ng play kitchen, table barrier at planter box.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here