Sponsored Links

Sa panahon ngayon walang hindi dumadaan sa matinding kahirapan kahit na ang pinakamayamang tao pa sa mundo ay nagkakaroon ng pagsubok sa buhay tayo pa kayang simpleng mamamayan lamang. Kaya naman kung may mga taong masigasig sa buhay ay talaga namang hinahangaan ng karamihan lalo pa ang mga kabataan na maagang sumubok sa pagkakaroon ng maagang pamilya.

Ito ang naging kwento ni Lada Koroleva na sa murang edad niya ay nagkaroon na ito ng dalawang anak, teenager pa lamang si Lada ng isilang nito ang kanyang unang anak at kalaunan ay naging dalawa na ito. Bagaman mahirap ang magkaroon ng pamilya sa murang edad nagsikap si Lada na maging responsableng ina.

Upang magampanan ang pagiging isang ulirang ina nagtratrabaho ito sa isang delivery club na kompanya kung saan habang nagtratrabaho ang nasabing si Lada ay bitbit nito ang kanyang mga anak. Makikita sa larawan na akay ni Lada ang kanyang panganay na anak at kalong naman ang bunso nito, kung minsan isinasakay naman niya sa stroller.

Kung naisip ninyong itanong kung nasaan ang asawa nito, ayon sa panayam ang asawa ni Lada ay kasama niya sa bahay ngunit halos maghapon na video games lang ang inaatupag nito. Kaya naman si Lada na lang din ang pumupuno ng resposibilidad ng kanyang asawa sa kanilang pamilya. Kung ating susuriin parang sa panahon ngayon wala na halos babaeng nagtitiis sa uri ng asawa mayroon si Lada. Ngunit ang pobreng ina ay matyaga at mapagmahal sa pamilya kaya naman natitiis niya ang lahat ng sakripisyo.

Napakaswerte ng asawa nitong Lada sa kanya, kung sa ating bansa lamang ito nangyari baka hindi na kaya pang tiisin ng isang ina ang gaintong sitwasyon o maaari nauwi pa ito sa hiwalayan. Kung ikaw ang may ganitong sitwasyon at  may asawang tulad ni Lada ano ang maipapayo mo sa kanila. Komento lamang sa ibaba nang sa ganun makapagbigay din ng ideya sa mga inang dumadanas din ng hindi magandang sitwasyon bilang ina.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here