Sponsored Links

Ang ina ang siyang itinuturing na ilaw ng tahanan katuwang ng ama na siya naman haligi nito. Kung pagmamahal ang babasehan higit pa sa labis na pagmamahal ang kayang ibigay ng isang ina sa kanyang mga anak. Madalas nating maririnig ang mga katagang tulad nito “Kailanman hindi kayang tiisin ng isang ana ang kanyang anak ngunit ang isang anak ay kayang tiisin ang kanyang ina o magulang.

 

Ngunit paano naman dahil sa labis na pagmamahal sa kanyang supling ay nakagawa ang isang ina ng masamang gawain, maituturing mo pa rin ba itong pagmamahal o para sa ikakabuti ng kanyang anak. Ito ang naging sitwasyon ng isang ginang mula Cagayan De Oro matapos magnakaw sa isang palengke para lamang sa kaarawan ng kanyang anak.

Ayon sa balita ang suspek na taga Cagayan De Oro ay isang single mom na hindi na natin pangangalanan pa para na rin sa proteksyon ng kanyang mga anak. Maaring kulungan ang kabagsakan ng ginang na ito matapos arestuhin ng mga kinauukulan dahil sa kasong pagnakaw.

Nagpuslit ito ng lobo, mantika, gastas at iba pa para lamang sa kanyang anak. Halos kagamitang panghanda sa kaarawan ang pinutirya ng ginang, marahil sa nalalapit na kaarawan kanyang anak.
Sabihin na nating nagawa lamang babaeng ito ang magnakaw para sa kanyang anak ngunit kahit saang angulo mo tingnan ay mali ang ginawa niya at ito ay may karampatang parusa.

Ayon naman sa pamunuan kung saan ninakaw nito ang mga nasabing kagamitan, hindi na raw magsasampa ng kaso kung babayaran ng ginang ang kanyang ninakaw katumbas ng sampung ulit sa orihinal na presyo ng mga ito. Sa ngayon samu’t saring komento ang ipinupukol sa ginang dahil sa kanyang pangangatwiran.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here