Home News Dalawang bata, nagtrabaho sa construction site at panaderya upang makaipon ng pambili ng biskleta, sinurpresa ng isang netizen ng brand new bikes

Dalawang bata, nagtrabaho sa construction site at panaderya upang makaipon ng pambili ng biskleta, sinurpresa ng isang netizen ng brand new bikes

0
Dalawang bata, nagtrabaho sa construction site at panaderya upang makaipon ng pambili ng biskleta, sinurpresa ng isang netizen ng brand new bikes
Sponsored Links

Ngayong nalalapit na ang kapaskuhan, marami tayong mga kahilingan at mga dasal. Sabi nga ng iba ang pasko ay para sa mga bata. Mas excited ang mga bata dahil nag-aabang sila sa mga matatanggap na mga aginaldo at pamasko.

Kahit mga bata ay may mga kahilingan at gusto rin sa buhay. Ngunit may mga batang hindi ipinanganak na mayaman o kayang bilhin ang anumang gusto. Ngunit hindi ito hadlang upang hindi nila maenjoy ang kanilang kabataan.

photo credit to dexter pandis | facebook

Kagaya na lamang ng dalawang binatilyong nag-ngangalang Dexter Pandis at ang kanyang pinsan na si Onyok. Si Dexter ay 16 taong gulang at si Onyok naman ay 12 taong gulang. Puro mga binatilyo at mga wala pa sa tamang edad upang magtrabaho, ngunit pinasok nila ang pagtatrabaho sa construction site upang makapag-ipon ng kanilang pambili ng bisikleta.

photo credit to dexter pandis | facebook

Ayon sa dalawang binatilyo, matagal na nilang pangarap ang magkaroon ng sariling bike at sana ay makamit nila ito ngayong pasko.

Bukod pa sa pagtrabaho sa construction site, pinasok din nila ang pagsa-sideline sa panaderya upang mabilis silang maka-ipon. At umabot na nga sa P1000.00 ang kanilang naipon at napag-isipan nila na magtanong sa isang Facebook group ng mga siklista kung mayroon silang mabibiling secondhand na bike sa halagang Php1000.00.

photo credit to dexter pandis | facebook

Isang netizen na nagngangalang Manjit Reandi ang nakapansin sa kanila. Bumilib ito sa sipag at diskarte ng dalawang binatilyo at sinurpresa sila ng tig-iisang bisikleta upang sila ay may magamit. Labis ang tuwa ng dalawang bata sa kanilang maagang pamasko na natanggap.

Ayon umano sa netizen na si Manjit, humanga siya sa dalawang bata dahil hindi sila nanglimos upang makabili ng bisikleta na gustong-gusto nila bagkus ito ay kanilang pinaghirapan.

photo credit to dexter pandis | facebook

Hindi man sila pinilit na magtrabaho dahil ito ay ipinagbabawal, ngunit kagustuhan nila ang nag-udyok sa kanila at para na rin mabili nila ang kanilang pangarap na bisikleta na hindi na nanghihingi sa kanilang mga magulang o kahit kanino man. Ngunit, mapalad sila at may isang instant Santa Claus na nagbigay ng regalo sa kanila.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here