Home News Estudyante nagtitnda ng taho habang papasok sa paaralan at tuwing bakanteng oras nito, Katulong ang kanyang ina sa paggawa nito

Estudyante nagtitnda ng taho habang papasok sa paaralan at tuwing bakanteng oras nito, Katulong ang kanyang ina sa paggawa nito

0
Estudyante nagtitnda ng taho habang papasok sa paaralan at tuwing bakanteng oras nito, Katulong ang kanyang ina sa paggawa nito
Sponsored Links

Sa mundo hindi parepareho ang ugali ng tao, ganundin naman ang estado ng buhay. Mayroon ipinanganak ng mayaman at mayroon din naman salat sa pamumuhay. Sa kabilang banda tayo ay lubos na napapahanga sa mga taong may determinasyon at dedikasyon kilusan ang kanyang pangarap.

Lawaran mula kay Epipanio Delos Santos Avenue | Facebook

Tulad na lamang kamakailan, isang netizen ang nagbahagi ng kanyang napansin sa lansangan kung saan isang estudyante na sa halip ay kagamitang pang eskwela ang bitbit nito ay tila dalawang timbang gawa sa stainless na may kawayan ang sukbit sa balikat nito.Naglalakad sa kainitan ng kalsada at hindi alintana ang init habang naka uniporme patungo sa kanyang pinapasukang eskwelahan.

Lawaran mula kay Epipanio Delos Santos Avenue | Facebook

Ang batang estudyanteng pumukaw ng pansin sa maraming netizens ay si Gurprit Paris D. Singh, na may lahing bumbay dahil ang kanyang ama ay isang Indian at ang ina nito ay Filipina. Si Gurpit ay kilala sa palayaw na Gopi at sinilang sa Cebu City. Taong 2018 ng mapadpad sa Cavite si Gopi kasama ang kanyang ina, dalawa lamang sila ng kanyang ina naninirahan dito.

Kaya naman kinakailangan ng kanyang nanay na magsumikap upang mabuhay si Gopi, ang batang si Gopi naman ay hindi pinababayaan ang kanyang ina at madalas itong katulong sa mga gawain sa paghahanap buhay. Kasalukuyang grade-11 si Gopi sa Tanza National Comprehensive – Senior High School at kumukuha ng kursong STEM.

Lawaran mula kay Epipanio Delos Santos Avenue | Facebook

Madaling araw kinakailangan gumising ni Gopi upang ihanda nag gamit nito sa eskwelahan ganun din ang ititinda nitong taho. Ang nanay mismo ni Gopi ang nagluluto ng arnibal at sago na nilalahok sa malinamnam at mainit-init na paninda niyang taho.

Sa isang araw kumikita si Gopi ng 400php hanggang 600 pesos, ayon pa kay Gopi kahit minsan hindi niya inisip na nakakahiya ang kanyang ginagawang pagtitinda. “There is nothing to be ashamed of sa ginagawa ko. I am doing a honest job without harming anybody else. My parents, teacher, and classmates are very supportive” – sambit nito.

Lawaran mula kay Epipanio Delos Santos Avenue | Facebook

Habang papasok sa paaralan inuuna muna niyang maglako ng taho maging sa oras ng bakante nito, ipinagpapatuloy pa rin nito ang pagtitinda. At sa oras naman ng klase nakikiusap siya sa gwardiya na iwanan ang paninda nitong taho.

Lawaran mula kay Epipanio Delos Santos Avenue | Facebook

“Life is like a math as there is always a solution to every problem. I only wish na sana yung mga taong going through hardships or problems in life will be able to find their solutions to solve their problems, and be happy including me”, – dagdag pa niya. Mataas ang pangarap ni Gopi at balang araw nangangarap si Gopi na maging isang Civil Engineer.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here