Sponsored Links

Kadalasan ang tingin ng ibang mamayan sa mga artista ay pasosyal, pangmayaman lamang at suplado. Hindi naman lahat ay ganito kung ang ilan sa mga kababayan natin nakakaranas ng pagsusungit ng kanilang iniidolo marahil sa pagod na nararamdaman dulot na rin ng kanilang trabaho. Alam naman natin ang pagiging artista ay hindi rin naman birong propesyon, kaakibat nito ang puyat at pagod kaya naman minsan ito ang dahilan ng pagbabago ng kanilang mood o ugali.

Ngunit kamakailan ang minsan nang naging kontrobersyal dahil sa kanilang pag-iibigan ay pumukaw ng pansin sa pagiging mabuti sa kanilang mga tauhan. Ang sikat na celebrity couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli pinuri ng kanilang mga tagahanga dahil sa kanilang busilak na kalooban para sa kanilang mga empleyado. Sa youtube channel ni Matteo kung saan tampok ang kanilang tauhan ay ipinasyal at ipinamili ng mag-asawa ang mga ito.

Larawan kuha mula sa Youtube ni Matteo Guidicelli
Larawan kuha mula sa Youtube ni Matteo Guidicelli

Naging espesyal ang araw na iyon dahil sa kaarawan ng nanay ni Matteo at anibersaryo ng kanilang negosyo na G-studios. Bilang pagtanaw ng kabutihan sa kanyang mga empleyado kung saan tinatawag nila itong kaibigan mula Paete o the Dream Team ika nga ni Sarah. Ito ang panahon para naman makabawi ang mag-asawa sa kanilang mga tauhan.

Larawan kuha mula sa Youtube ni Matteo Guidicelli

Makikita sa mga video na sobrang galak ng mga empleyado ng mag-asawa kung saan binigyan silang kunin ang kahit anong naisin nilang iuwi sa kanilang pamilya at punuin ang isang cart ng mga napamili ng mga ito. Walang pag-sidlan ang saya na kitang kita mo sa mata ng mga empleyado ng mag-asawa.

Kaya naman ang mga netizen at tagahanga ni Sarah at Matteo ay labis ang papuri sa kabaitan ng mga ito. Hindi lamang basta artista sila din ay may pusong pang-masa, marunong sumukli sa kabutihan ng iba at hindi makikitaan ng ere sa katawan.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here