Sponsored Links

Nagsusuot ka ba ng face mask kapag ikaw ay lalabas ng bahay? Tinutupad mo ba ang isang metrong distansya sa ibang tao kapag ikaw ay nasa labas lalo na sa pampublikong lugar? May COVID-19 parin at wala paring nahahanap na lunas. Kaya naman kinakailangang sumunod sa ipinagbabawal.

Ang physical distancing, at pagsusuot ng face mask ay istriktong ipinatutupad ng gobyerno upang maiwasan ang pagdami at pagtaas ng kaso ng coronavirus sa bansa.

photo via Everything Pinas | Facebook

Winika din ng pangulo na makokonsiderang “serious crime” ang paglabag sa mga ipangbabawal na ito lalo na ang hindi pagsusuot ng face mask sa matataong lugar dahil inilalagay mo umano sa kapahamakan ang ilang taong sumusunod sa ipinagbabawal. Subalit hindi rin naman lingid sa kaalaman ng pangulo na maraming pinoy ang hirap sa buhay na hindi kayang bumili nito.

photo via Everything Pinas | Facebook

Napabalita din na ikinokonsidera ng pamahalaan ang pagbibigay ng libreng face masks sa mga “poorest of the poor” na mga pinoy na halos hirap sa pang araw-araw na pamumuhay.

Naging trending ang isang larawan ng babaeng pulis na nag aabot ng face mask sa isang matandang magsasaka sa gilid ng kalsada kasama pa ang kanyang alagang kalabaw. Sa halip na hulihin ay binigyan ito ng magagamit na face mask.

Ayon sa caption sa Facebook post, “Eto talaga ang pinaka logical na gawin. Kung walang mask, bigyan ng mask. Hindi naman kailangang hulihin at ikulong.”

photo via Everything Pinas | Facebook

Sino nga naman ang hindi bibilib? Kaya’t ang post ay umabot na ng mahigit 16, 000 shares at 15, 000 reactions.

Sa panahon ngayon, hindi lang dapat utak at batas ang pinapairal kundi pati narin ang puso. Dapat matutunan nating umunawa sa ibang tao na naghihikahos sa buhay at nagsusumikap parin upang mairaos ang pang araw-araw na pangangailangan ng pamilya.

Tularan sana natin ang kagandahang loob na ginawa ng pulis. Puso sa panahon ng krisis!

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here