Sponsored Links

Dahil usong-uso ngayon ang pagva-vlog, hindi lamang sa mga artista ngunit pati na rin sa mga ordinaryong tao na naaaliw dito. Samu’t-saring mga topiko ang ginagawa sa mga vlogs na kadalasan ay nakakatawa at nakaka-good vibes panuorin.

Samantala, isang vlogger na si Jose Hallorina ang nag viral kamakailan lang dahil sa hindi inaasahang gagawin nito sa kanyang vlog na “Halikan Mo Paa Ko Kapalit ang Pera”.

credit to Jose Hallorina | Youtube

Sa gilid ng kalye ay naroon ang isang matandang lalaki na nakita ni Jose na nakamukmok malapit sa kanyang kareton na may mga lamang mga paninda. Nilapitan nya ito at kinausap. Napag-alaman nito na inaantok ang matanda dahil alas 4 pa ito nagising upang mamili ng mga panindang gulay. Sa loob ng kanyang kareton ay iba’t-ibang gulay kagaya ng saging, patatas, talong, mayroon ding manga, at iba pa.

credit to Jose Hallorina | Youtube

Si tatay Danilo ay may tatlong anak umano na naiwan sa probinsya. Mayroon lamang syang Php3,000 na puhunan, at umaabot sa 16 oras syang nagtitinda. “Bibigyan kita ng tatlong libo tay, para makauwi kana makapagpahinga kana, kasi alam ko ngayon holiday. Kaya walang masyadong tao,” sabi sa kanya ni Jose.

credit to Jose Hallorina | Youtube

“Magbibigay ako ng tatlong libo pero sa isang kondisyon”, “Bakit ako magpapahalik, kasi gusto kong maramdaman ano yung pakiramdam na may pera, may kapangyarihan, yung nasa taas ka. Ano kakasa ka ba, papaya ka ba o hindi?” tanong nito sa matanda.

Hinubad ng vlogger ang kanyang sapatos at papahalikan na ito kay tay Danilo. Nagulat ito dahil papayag talaga ang matanda sa kanyang pinapagawa, kapalit ang pera.

credit to Jose Hallorina | Youtube

“Tay Danilo, naiyak ako, bakit ka pumayag”, tanong pa nito sa matanda. Ayon naman kay tay Danilo, puhunan na din nya ang perang matatanggap kung hahalikan nya ang paa ng vlogger. Labis na nalungkot ang vlogger dahil sa isang reyalidad na nangyayari ngayon sa bansa. Dahil sa matinding hirap na dinaranas ng ilan ngayon sa atin ay kaya nang ipagpalit ang dignidad sa pera.

Sa huli ay binigyan na lamang ng vlogger ng Php6,000 si tay Danilo, kasama na rin ang bigas, mga diapers at iba pang supplies galing sa Uni Care.

Mensahe pa sa vlog ni Jose, “Mamuhay po tayo na may dignidad at pagmamahal sa kapwa”.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here