Sponsored Links

Ano ang gagawin mo kung ang isang pitaka na puno ng pera ang biglang dumarating sa iyong palad? Ang masuwerteng taong ito na nagngangalang Wan Mohamad Adam Wan Mohamed ay isang negosyante at nagmamay-ari clothing store sa Kampung Tualang Salak, Kelantan, Malaysia. Siya namimili ng mga used clothes para muling ibenta sa kanyang tindahan.

Nasopresa sya sa kanyang napamiling bundle ng mga damit na may halaga lamang na $ 24 o Php1,200 ay may nakatagong swerte. Ang bundle ng mga damit ay may pitaka na puno ng cash na nagkakahalaga ng 450,000 yen na katumbas ng RM16,800 o $ 4150. Sa kanyang natagpuang malaking halaga nais nya itong gamitin upang mapalago pa ang kanyang negosyo at ang iba ay maitabi upang tanda ng kanyang hindi malilimutang karanasan.

Ilang netizens ang nagsabi kay Mohamad na hahanapin ang may-ari at ibalik ang pera habang ang ilan ay nagulat lamang sa kanyang magandang kapalaran. Hindi mo malalaman kung kailan darating ang ng swerte, sa kaso ni Mohamad nangyari ito sa isang lugar kung saan hindi mo iisipin na makahanap ka ng mga nakatagong swerte.

Ang kanyang ukat-ukay store na sinasabing marumi at mabaho ngunit maraming mga kapaki-pakinabang na bagay na maaaring mabili at magamit. Marami sa namimili sa ukay-ukay ay nakakahanap ng mga signature at branded na gamit tulad na lamang ng mga bag, damit, sapatos at kahit na mga accessories. Kaya huwag basta ipagwalang bahala ang ukay-ukay na negosyo kahit artista kung minsan dito namimili.

Ang kwento ni Mohamad ay hindi lamang isang inspirasyon ngunit ito ay isang kwento na ikinagulat ng marami dahil sa dami ng nakuha niya kita sa mga mamimili ng kanyang ukay-ukay store. Sa ganitong pangyayari nais nya itong gamitin sa magandang bagay upang mapalago pa ang kanyang negosyo.

{via}

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here