Home News Lola na isang kargador sa palengke naging lamang ng samu’t saring opinyon ng mga netizen

Lola na isang kargador sa palengke naging lamang ng samu’t saring opinyon ng mga netizen

0
Lola na isang kargador sa palengke naging lamang ng samu’t saring opinyon ng mga netizen
Sponsored Links

Ang pagbubuhat ay nangangailangan ng matinding lakas at pwesa upang maiangat o maipasan ang isang bagay. Tulad ng mga kalalakihang kargador na madalas nating makikita sa mga palengke o pamilihan at kung minsan sa mga daungan ng sasakyang pandagat. Hindi biro ang kinakailangan pwersa sa ganitong uri ng trabaho, ngunit paano kung isang babae ang kargador at nasa katandaan na ito.

kuhang larawan mula kay astrophile

Ito ang nakuhanan ng isang netizen at naipost sa isang social media page, isang babaeng kargador na may edad na at masasabi ng itong lola. Naging laman ito ng kuro-kuro at samu’t saring opinyon ng mga netizen. Sa ganitong edad dapat ay nagpapahinga na lamang ito at nakikipaglaro sa kanyang mga apo ngunit hindi naman natin masisisi kung ano nga bang rason kung bakit patuloy itong ginagawa ni lola.

Kung ang mga lalaking kargardor ay may matitipunong pangangatawan at lakas ay nakakaramdam din ng pagod, eh ano pa kaya si lola na kung ating titingnan ay may payat na pangangatawan at tila ba hindi nito kakayanin ang bumuhat ng mabibigat na bagay.

Sa mga kuhang larawan makikita natin na ang kanyang binubuhat ay malaki sa kanyang katawan, hirap man ngunit tila kinakaya pa rin ni lola. Halatang nangingiwi sa pagkakapwersa ng pagbuhat nito at napapayukot sa bigat na nakaatang sa kanyang likuran. Kaya naman ang mga netizen na nakapanood ng video ni lola ay nahabag sa matanda at nanlumo sa napiling pagkakakitaan nit lola.

kuhang larawan mula kay astrophile

Ganun pa man marami ang bumilib sa matanda ngunit ang kaawaan ito ay syang nangibabaw sa karamihan. Marahil DIyos na lamang ang bahala kay lola at tiyak na may sarili siyang dahilan kung kaya patuloy itong kumakayod at lumalaban sa hamon ng buhay.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here