Ang kasal ay isang seremonya kung saan ang isang babae at isang lalaki ay pinagsasama sa ngalan ng batas at ng simbahan. Karaniwan na bago ang isang kasal mayroong mga seminar na kailangan puntahan ng mga ikakasal upang sila ay maihanda sa pagpapamilya at sa tunay na kahulugan ng kasal. Dito sa Pilipinas, wala pang diboryso, na syang kasalungat naman ng kasal. Sa Pilipinas din ang kasal ay isang ritual na laging kasama ang mga komunidad.

Sa isang bayan ng Lipa City Batangas nagkaroon ng masayang kasalan kung saan ito ang araw na mag-iisang dibdib sina Mr. and Mrs. Marlon and Ken Loyce Panaligan at tumatayong pari noon ay si Fr. Rodem Ramos. Tunay nga, na ang pagpapakasal ay dapat kapulutan ng aral, hindi lamang dahil sa gusto ninyong mag-asawa bagkus dahil sa pinili ninyong magmahalan at magkasama hanggang sa huli.

Sa pangunguna ni Fr. Rodem Ramos, sa magpapakasal na sina Marlon and Ken Loyce Panaligan ay ginulat nito ang dalawa at ang ilang taong saksi sa kanilang pag-iisang dibdib. Halos hindi makapaniwala ang lahat sa rebelasyon ni Father. Kwento ni Fr. Rodem Ramos bago pa man nagkita at magkakilala ang dalawa sa taong 2017 ay sinabi ni Father na hindi ito ang una nilang pagkikita, bagkus nagkita na ito taong 2000 kung saan si Father din mismo ang nagsagawa ng seremonya. Ikinagulat ito ng saksi at ilan sa mga nakakaalam nito.
Ayon sa Facebook page ng Parish of Sto.Niรฑo de Lipa
โ๐ฆ๐ข๐๐ฅ๐๐ก๐ ๐ฆ๐๐ฌ๐ ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐น ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ฎ!โ โNoong tinanong ni Father kung kailan sila unang nagkita ay sumagot agad ang dalawa ng โ๐ก๐ข๐ฉ๐๐ ๐๐๐ฅ ๐ฐ, ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ณโ po. Biglang sinabi ni Father na HINDI TOTOO!โ โBAKIT??? Sapagkat hindi totoo na 2017 lang sila nagkita kasi base sa kanilang ๐๐๐ฃ๐ง๐๐ฆ๐ ๐๐ ๐๐๐ฅ๐ง๐๐๐๐๐๐ง๐, ๐ก๐ข๐ฉ๐๐ ๐๐๐ฅ ๐ฐ, ๐ฎ๐ฌ๐ฌ๐ฌ sila sabay na nabinyagan ni Fr. Rodem Ramos!โ
โAng GALING talaga ng timing ng DIYOS!โ