Home News Nakita nyo ba ang batang nasa P500 peso bill, heto na pala siya ngayon

Nakita nyo ba ang batang nasa P500 peso bill, heto na pala siya ngayon

0
Nakita nyo ba ang batang nasa P500 peso bill, heto na pala siya ngayon
Sponsored Links

Tila kaybilis nga naman lumipas ng panahon at ngayon ang dating batang nasa 500 peso bill ay isa na palang ganap na binata at naninilbihan bilang nurse sa ibang bansa. Kung makikita ninyo sa likod ng 500 peso bill ay may isang batang lalake na nag-aabot ng Sampaguita sa mga sundalo. At ang pangyayaring ito ay totoong naganap sa panahon ng Edsa Revolution taong 1986.

Ang sinasabing bata na nasa likod umano ng nasabing salapi ay si Angelo Gutierrez at ngayon ay ganap ng binata. Si Jell-o ay nagtratrabaho sa New York bilang isang Nurse. Samantala aksidente nitong nakita sa nasabing lugar ang ating bise presidente na si VP Leni Robredo kaya naman hindi na pinalagpas ni Jello ang pagakakataon at agad na nagpakuha ng litrato sa nasabing ginang. Si VP ay nasa lugar kung tawagin ay Big Apple dahil na rin sa pagtatapos ng kanyang anak ng panahong iyon.

Ayon pa sa post ni Jello sa pagkakakita niya kay VP;
“Bumped into the Vice President of the Philippines 🥰
Thank you for being so approachable and kind! God bless you!”

Gayumpaman naging usapan ito at nabalikan ang nasabing larawan ng ibahagi ito ng educator na si Gabby Lopez ayon sa kanya dati niyang mag-aaral si Jello. Dagdag pa ni ginoong Lopez, nagtapos ang kanyang dating mag-aaral sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at isa din Angelo na ex-seminarian sa Our Lady of Guadalupe Minor Seminary. Narito ang caption ni Mr Lopez sa kanyang social media post; “My graduated former PLM MBA student in NY who met VP Leni, Jell-o Gutierrez is the young boy offering flowers to the soldier in the P500 peso bill.”

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here