Home News Netizens bilib sa Estudyante na gumawa ng improvised oven para makagawa ng requirement sa kanyang pag-aaral

Netizens bilib sa Estudyante na gumawa ng improvised oven para makagawa ng requirement sa kanyang pag-aaral

0
Netizens bilib sa Estudyante na gumawa ng improvised oven para makagawa ng requirement sa kanyang pag-aaral
Sponsored Links

Ano ang kaya mong gawin para sa iyong pangarap? Kaya mo bang magsakripisyo at magtyaga para sa iyong kinabukasan? Sa ating bansa, edukasyon ang isa sa mga susi upang guminhawa at magbago ang buhay. Subalit sa kahirapan, marami ang hindi nakakapagpapatuloy ng kanilang pag-aaral dahil sa kakulangan ng mga gamit na kailangan sa pag-aaral.

credit Raymond Minoza | Facebook

Samantala, naging viral itong mag-aarala kamakailan lang dahil sa kanyang determinasyon na makapag-comply ng kanyang requirement sa pag-aaral.

Naging usap-usapan sa social media si Jovel Betonio Bante Jr, isang mag-aaral na nakatira sa Davao. Marami ang napabilib sa kanyang ginawang diskarte para lamang makapag bake ng bread and pastry para sa kanyang kursong Hospitality Management sa Holy Cross of Davao College.

credit Raymond Minoza | Facebook

Dahil sa hirap ng buhay, wala umanong magamit na oven si Jovel kaya kahit na hamon para sa kanya ay pinagsikapan at ginawan nya ng paraan upang makagawa ng improvised oven.

“I was very inspired and touched by a student in my class when I saw these photos. Totoo talaga ang kasabihan na ‘Kapag gusto, maraming paraan,.’ Wala talagang imposible kung gugustuhin lang natin matuto.”, pahayag ng guro ni Jovel na si Raymond Minoza na sya ring nagbahagi sa Facebook ng mga larawan ni Jovel.

Labis na bumilib ang guro dahil sa angking sipag at determinasyon ng kanyang estudyante at hangad nito ay makapagbigay ng inspirasyon sa marami pang mga mag-aaral na hirap sa buhay.

credit Raymond Minoza | Facebook

“Alam kong lahat tayo ay naghihirap sa panahong ito at gusto kong gawin natin itong inspirasyon, lalo na sa mga estudyante na maraming paraan kung gugustuhin lang nating matuto,” saad pa ni Raymond.

“Naisipan ko po na gumawa na lang ng DIY oven para po makapag-laboratory ako sa major namin. Medyo mahirap pero kaya naman, inisip ko na gawin para may magamit ako sa laboratory namin,” pahayag naman ni Jovel patungkol sa kanyang ginawa.

credit Raymond Minoza | Facebook

Nagbigay naman ng mensahe si Raymond sa kanyang estudyanteng si Jovel. “To Jovel Betonio Bante Jr. Thank you for inspiring me. I am hoping that you will succeed someday.”

Marami ang na-inspire na mga netizens sa ginawa ni Jovel at marami ang nagparating ng kanilang pagbati at paghanga.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here