Home News Pinasaya ng pusang ito ang mga netizen, Nakuhanan siya na may sabit na medalya sa leeg

Pinasaya ng pusang ito ang mga netizen, Nakuhanan siya na may sabit na medalya sa leeg

0
Pinasaya ng pusang ito ang mga netizen, Nakuhanan siya na may sabit na medalya sa leeg
Sponsored Links

Isa sa ang pusa sa maituturing nating pet to love lalo na ating bansa, bukod sa aso marami na rin ang catlover na kung ituring ang mga pusa ay parang kapamilya. Kung dati ay marami ang naiinis sa mga pusa lalo na yung mga tinatawag na pusang gala. Dahil na rin siguro sa mga gawain ng mga ito kung saan nagnanakaw ng ulam sa hapag-kainan o di kaya kung minsan dumudumi sa mga bubungan ng bahay.

Larawan kuha ni Honey Grace Pore | Pore

Ngunit sa paglipas ng panahon nabago na ang pananaw ng tao at maging ang mga paborito nating alagang hayop nag-iiba na rin ang mga kilos ng mga ito. Sa makabagong henerasyon mas lalong kinagigiliwan ang mga hayop, nagsisilbi kasi silang stress reliever bagama’t magastos lamang ang mag-alaga nito, yun naman ay nakadepende sa anong uri o lahi ang aalagaan mo.

Kamakailan sa post ni Honey Grace Pore na taga Brgy. Pingsama, Taguig City. Kinagiliwan online ang kuha niyang larawan kung saan may caption itong “congrats po” patungkol ito sa pusang naglalakad na may sukbit na medalya sa leeg.

Ayon pa kay Honey Grace ang nasabing pusa ay hindi naman umano kanilang pagmamay-ari ngunit madalas umano itong dumadalaw sa kanilang tahanan upang manginain lamang. Sa kanyang pagkagiliw sa pusa naisipan niyang kuhanan na larawan ito at ipost sa social media ngunit laking gulat ng dalagita ng pumatok ito sa mga netizen.

not the actual photo for reference only

Kung makikita sa larawan ay may nakasabit itong medalya, marahil ito ang ikinatuwa ng mga netizen na siyang naghatid ng goodvibes sa mga ito. Bukod pa sa napapanahon ng pagtatapos ng mga mag-aaral. Sa kabilang banda may mensahe si Honey Grace sa mga tao; “Sana po kapag nakakita sila ng mga pusa huwag po nilang saktan and kung maari po pakainin din po nila. Ang tunay na medalya nakikita sa pagmamalasakit sa mga hayop.”

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here