
Aminin man natin o hindi sa panahon ngayon ay pahirap na pahirap ang buhay lalo na kung hindi mo pa ito pagsisikapan at wala kang gagawin kung hindi tumunganga na lamang. Kaya naman ang mga taong pursigido at madiskarte ay may bentahe na, paano pa kaya yung may kapansanan ngunit determinado tiyak balang araw makakamit din ng mga ito ang minimithing pangarap.
Tulad ng isang socmed post na umagaw atensyon sa mga netizen, bagamat medyo matagal na itong naibahagi ni Bryan Oliva sa kanyang socmed account. Nagbibigay pa rin inspirasyon ang mga ganitong kwento ng buhay para sa mga taong nawawalan ng pag-asa lalo na yung mga taong normal ang pangangatawan.

Ayon sa post ni Bryan mayroon silang kamag-aral sa kanilang paaralan na itinuturing nilang inspirasyon siya ay si Ferdinand Dabbay, siya ay walang braso at paa lamang ang ginagamit nito sa kanyang mga gawain. Kung makikita sa larawan ginagamit ni Ferdinand ang kanyang paa panulat sa pisara at ganun din sa kanyang kwaderno.
Bagamat may kakulangan sa katawan hindi naging hadlang kay Ferdinand ang hirap na dinadanas nito upang magpatuloy sa pang-araw araw na hamon ng buhay. Kaya naman ang kanilang paaralan na (BCS) BALLESTEROS CENTRAL SCHOOL ay itinuturing siyang isang magandang halimbawa at inspirasyon . Mataas ang respeto ng kapwa mag-aaral ni Ferdinand sa kanya dahil sa nakitaan nila ito ng dedikasyon at determinasyon sa pangarap na minimithi nito.

Kung ating titingnan si Ferdinand, maituturing natin siyang normal kung kumilos o mas daig pa nga isang taong normal ang pangangatawan. Kaya naman walang duda ang mga netizen ay mapabilib sa tulad niya.
Samantala basahin natin ang buong post;
Dahil di daw hadlang ang kapansanan nya kaya sya nagsusumikap makapagtapos ng pag-aaral. alam namin kapatid kaya mo yan kaya samasama tayong makakapagtapos kunting kembot na lng makakamit din natin ang tagumpay”
#ALS_LEARNER
#Classmate
#SA_ALS_MAY_BAGONG_PAG_ASA