Sponsored Links

Sa hirap ng buhay, maraming mga kapwa natin Pilipino ang napipilitang magtrabaho sa kabila ng kapansanan, edad, o ang iba naman ay tinitiis na mapalayo sa pamilya para lamang makapag-hanapbuhay at makatulong sa pamilya na maibsan ang gutom at hirap.

Samantala, sa kabila bg pagmumungkahi ng pamahalaan na hindi na muna lumabas ang mga matatanda lalo na ang mga senior citizens, may ilan pa rin na hindi maiiwasan na lumabas. Kagaya na lamang ni “tatay Rodrigo” na residente ng Barangay West Rembo. Si tatay Rodrigo ay 74-taong gulang na subalit naghahanap-buhay parin sya sa pamamagitan ng pagtitinda ng isda.

credit to David Drahc | Facebook

Kilala umano sya na nagtitinda ng isda sa kanilang lugar dahil sa mas murang halaga ng kanyang mga panindang isda kumpara sa mga isda sa mercado.

Samantala, ibinahagi ng netizen na si David Drahc ang ilang mga larawan ni tatay Rodrigo na nagtitinda ito ng mga isda sa kalye.

credit to David Drahc | Facebook

“Sa taga-West Rembo, every morning si tatay naglalako ng isda gamit niya bike. Sana dyan na kayo bumili kasi senior citizen na po siya tsaka medyo less ‘yung presyo niya,” caption ni David sa kanyang Facebook post.

credit to David Drahc | Facebook

Marami ang nakakita sa post ng netizen at naawa sa kalagayan ni tatay Rodrigo. May mga nagkomento na nakikita umano nila ang matandang ito na naglalako ng isda gamit ang kanyang lumang bike na minsan pa umano ay kanya na lamang tinutulak.

credit to David Drahc | Facebook

Isang grupo naman na nagngangalang Quarantine Tribute Tips ang nagpa-abot ng tulong kay tatay Rodrigo. Nagbigay sila ng napakaraming groceries para sa matanda. Maari umanong magtayo ang matanda ng maliit na sari-sari store o gamitin nya ito sa araw-araw.

Laking pasasalamat ni tatay Rodrigo sa natanggap na tulong. “Malaking tulong daw po kasi pwede niya rin daw ilako itong mga bigay natin sa kanya,” saad naman ni Ayla Conda, kasapi ng Quarantine Tribute Tips.

credit to David Drahc | Facebook

“Sinamahan din namin siya magpagupit, ‘yun na lang daw request niya kasi sobra-sobra na raw po bigay namin”, dagdag pa ni Ayla.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here