Sponsored Links

Malaki ang ating utang na loob sa mga guro na siyang nagtyga sa atin upang matutong magsulat at bumasa noon tayo mga bata pa lamang. Sila din ang tumatayong magulang kung tayo ay nasa paaralan noong panahon na tayo ay mga estudyante pa lamang. Kaya hindi natin maiitanggi ang ambag nila sa ating buhay at sa mga bagay na natutunan natin habang tayo ay patungo sa pagtanda.

 

Ngunit iba iba din ang kapalaran na dinadanas ng ating mga guro, ang hirap at pagsubok na susuungin para lamang makapagturo o marating ang lugar ng kanyang mga estudyante. Tulad na lamang ni Teacher Jay Ann Salibio, kung saan kinakailangan pa nitong dumaan sa delikadong lugar para lamang makarating sa Patag Elementary School Annex sa Occidental Mindoro. Ito kasi ang unang paaralan kung saan siya naatasang magturo bilang guro.

Si Teacher Jay Ann ay buwis buhay na tinutupad ang propesyon para lamang gampanan ang tungkulin nito sa mga estudyanteng umaasa sa kanya. Napag-alaman na ang lugar na kanyang pinagtuturuan ay nasa gitna ng kabundukan kung saan sasadyain ang lugar upang marating ito. Halos dalawa o tatlong oras bago siya makarating sa paaralang pagtuturuan.

Sa kabila ng kanyang kalagayan mas ninais pa rin ni teacher Jay Ann na makapagturo sa kanyang mga estudyanteng umaaasa din matuto sa kanyang mga tinuturo. Kwento pa ni teacher may pagkakataon na nahimatay siya dahil sa pagod, ngunit sadyang mapagmahal si teacher sa kanyang mga estudyante at ipinagpatuloy pa rin ang klase.

Kaya sa mga mag-aaral ating bigyang respeto ang ating mga guro dahil hindi biro ang pagtuturo sa harap ng maraming estudyante lalo pa’t ang iba ay katulad ng sitwasyon ni teacher Jay-Ann.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here