Sponsored Links

Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya ngayon ay madami ang nadidiskubre ng mga tao. Mga makabagong ideya galing sa ating mga dalubhasa galing sa iba’t ibang larangan at isa na dito ang larangan sa pagpapaganda. May mga teknolohiya na tayo para mas ma-enhance ang ating pisikal na anyo.

Wala namang masama sa mga nais na gawin ito lalo na at isa ito sa daan para mas lalong kahumalingan ng mga fans kung ikaw ay nasa larangan ng showbiz o pag ba-vlog. Ang pagpapaganda ay hindi lamang basta-basta sapagkat ito ay mayroong kamahalan at hindi na rin ito bago pa sa panahon natin ngayon.

Isang 15 anyos na social media influencer mula sa Tsina ang umanoy sumailalim sa mahigit 100 beses na pagpapa-retoke para lamang maging mukhang “Barbie Doll”. Siya ay si Xiao Z Na Na o kilala bilang si Little Z Nana na may milyon-milyong followers sa mga sikat na social media sa China kung saan ay kanyang ibinihagi kung pano niya narating ang kanyang mala Barbie Doll n look.

Lubos na sinubaybayan ng mga netizins ang journey ng kanyang pagpapaganda at ang mga operasyon na kaniyang pinagdaanan. Pinaghandaan ito ni Little Z Nana kasama ang pagiipon niya para sa mga operasyon na kanyang haharapin.

Sa daming beses na kanyang operasyon ay nabahala na rin ang iba niyang fans sa maaring maging resulta nito sa kanya at sa kanyang kalusugan. Ngunit para sa kay Little Z ay masaya raw siya sa kanyang ginagawa at mas nagkaroon siya ng confidence na humarap lagi sa tao.

“I know my face has changed a lot this year. But it has become more natural now. I’m leaving no regrets here and I will do whatever I feel it’s right for me. All i want to do is become prettier,”, wika niya.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here