Sponsored Links

Pagdating sa diskarte at matinding ideya ay talaga naman magaling tayong mga Pilipino. Gamitin lamang ng tama at tiyak ang pag-asenso sa buhay, tulad na lamang sa isang tindera ng Pastillas na si Candy Esmundo.

Ayon kay Candy bata pa lamang siya ay mahilig na siyang magtinda-tinda, kahit nakakahiya kung minsan sa kanyang mga kaklase tuloy pa rin siya sa pagtitinda. Ang lahat ng kahirapang naranasan niya sa buhay ay nagsilbing gasolina para liyaban ang kanyang pangarap. Mas lalo nagpursige noong panahong pumanaw ang kanyang pinakamamahal na lola dahil sa walang wala hindi nila ito napagamot, simula noon ipinangako niya sa sarili na hindi na mauulit ang ganun sitwasyon.

Sa simula paisa-isa lamang ang umuorder sa kanya hanggang sa maisipan niya itong ipost online kung saan nag-umpisa ng dumami ang kanyang orders. Dahil nga sa hindi lamang basta ordinaryong Pastillas ang kanyang tinitinda agad din itong nakatawag atensyon sa mga nais umorder.

Ayon kay Candy nilagyan niya ng twist ang mga Pastillas na tinda nito kung saan may iba’t ibang desenyo ito bukod pa sa masarap na lasa nito. Sa ngayon si Candy ay kumikita na ng 300K kada linggo, milyon naman ito kada buwan. Napagpatayo na ito ng sariling bahay at nakapagbigay ng oportunidad sa ilang kabataan na nais magtrabaho sa kanyang kompanya.

Si Candy ay patunay lamang na kapag kinilusan mo ang iyong pangarap ibibigay ito ng ating Panginoon sa tamang panahon, hindi hadlang ang kahirapan upang hindi makamtam ang nais mo sa buhay. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kwento ni Candy Esmundo sa kapwa natin Pilipino na nagnanais tuparin ang kanilang mga pangarap.

{via}

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here