Home News 142 Milyon tinamaan sa lotto ng isang lolong magsasaka mula sa Leyte

142 Milyon tinamaan sa lotto ng isang lolong magsasaka mula sa Leyte

0
142 Milyon tinamaan sa lotto ng isang lolong magsasaka mula sa Leyte
Sponsored Links

Kapag sinuswerte nga naman, ito ang kadalasan bukang bibig ng mga nakakatanda kung may nababalitaan silang magandang pangyayari sa sarili man o sa mga taong nakapaligid dito. Iba’t iba din naman ang paniniwala ng mga tao kapag swerte ang pinag-uusapan, Nariyan mo maririnig ang iba na kailangan mo pagtrabahuhan ang isang bagay upang maging swerte ka.

Ngunit kung usaping lotto ang pag-uusapan marahil swerte nga talaga ang nakapaloob dito. Pero kung hindi ka rin naman tataya o makikipagsapalaran ay wala rin naman mangyayari. Ang sinasabi pa nga ng ilan ay ipangkakain na lamang itataya pa sa lotto. Ang iba kasi ay naniniwala sa numerong kanilang inaalagaan, na marahil sa pagdating araw ay mabubunot ang mga ito at makakatyempong mananalo. Tulad na lamang ng isang magsasakang 80 anyos na ang gulang.

Sa loob ng 15 taon niyang mananaya sa lotto ay nakuha nito ang P142 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Enero 16, 2022. Instant milyonaryo si lolo na tubong Leyte, ayon sa PCSO central office sa Mandaluyong. Kinuha o nag-claim ang matanda noong Enero 27 kasama nito ang dalawang anak na lalaki. Ang numero sa Super Lotto winning 6/49 numbers na 02-05-04-31-01-46 ay nahulaan ni Lolo.

Lingid sa kaalaman ng nakakarami si Lolo ay 15 taon ng regular na tumataya sa lotto. Swerte nga lang sa pagkakataong ito ay sa kanya napapunta ang tumataginting na Jackpot. Ayon sa matanda gagamitin niya ang malaking halaga upang ipangbili ng ariarian ng kanyang mga anak at magpapatayo din siya ng lotto outlet ng sa ganun ay tuloy pa rin ang pagkakakitaan nito.

Kaunting dagdag kaalaman, hindi buong makukuha ni Lolo ang mahigit na 142 milyon dahil sa ilalim ng batas na TRAIN law (Republic Act No. 1169), ang mga premyo ng PCSO lotto na nagkakahalaga ng mahigit P10,000 ay sasailalim sa 20% tax. Ibig sabihin, si lolo ay makakalikom pa rin naman ng tumataginting ns higit na ₱114 Milyon.

Swerte man si lolo sa pagkakapanalo nito sa lotto, huwag pa rin natin iasa ang ating kapalaran sa mga bagay na kung tawagin ay easy money. Mainam pa rin na magpursige sa buhay para kung makamit ang tinatamasang swerte ay wala ng hihigit sa ligayang mararamdaman.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here