Sponsored Links

Kung minsan hindi masasabi mong hindi patas ang buhay ngunit ganun pa man, tayo ay may kanya kanyang paniniwala na kung ano wala ka ngayon balang araw ay makakamit mo rin ito basta pagsikapan mo lamang. Marami sa atin ang pilit na nagsusumikap, nagpupursige para lamang maabot ang pinapangarap o minimithi sa buhay.

larawan mula kay Genevie Gregorio

Ang ilan kahit anong hirap pa ang pagdaaan ay patuloy lamang lumalaban, sa pag-asang balang araw ay makakamit din nito ang tagumpay. Ang kwento ng ni Genevie Gregorio ay isang patunay na may taong nagsisikap pa rin sa buhay sa kabila ng kahirapan. Ayon kay Genevie na taga Madlang, Aklan sinamahan nito ang pamangkin upang makasagap ng signal sa bundok upang makapagpa-schedule ng scholarship exam sa Aklan State University.

larawan mula kay Genevie Gregorio

Sa kagustuhan ng batang makatulong sa pamilya ay ninais nitong mapagpusigehan ang paghahanap ng signal kung saan maaring sa bundok sila makasagap. Ngunit sa hindi magandang pangyayari hinimatay ang bata sa sobrang pagod, marahil sa ilang oras din nilang paglalakad. Ang nakakalungkot at nakakatuwa ay ang pagiging pursigido ng bata, na kalaunan nang magkamalay ito ay muling nagpatuloy sa paghahanap ng signal para makapagparehistro.

larawan mula kay Genevie Gregorio

Ito ang sambit sa kanya ng bata; “Gusto niyang tulungan ang pamilya niya. Sobrang hirap kasi ng buhay dito sa amin, malayo sa bayan. Pagbubukid at pag-a-abaca lang ang hanapbuhay ng parents niya rito para makapag-aral sila,” ayon kay Genevie.

Basahin ang maikling pahayag ni Genevie Gregorio; Isang estudyante sa Madlang, Aklan ang nahimatay sa pagod habang umaakyat sa bundok para makahanap ng signal.
Kwento ni Genevie Gregorio, sinamahan niyang umakyat sa bundok ang pamangkin niya para makapagpa-schedule ng scholarship exam sa Aklan State University. Halos isang oras na raw silang umaakyat nang nahimatay sa pagod ang pamangkin. Bumalik naman daw ang malay niya matapos makapagpahinga at patuloy nilang inakyat ang bahagi ng bundok.
“Gusto niyang tulungan ang pamilya niya. Sobrang hirap kasi ng buhay dito sa amin, malayo sa bayan. Pagbubukid at pag-a-abaca lang ang hanapbuhay ng parents niya rito para makapag-aral sila,” ayon kay Genevie.

larawan mula kay Genevie Gregorio

Nakakalungkot isipin na kung minsan sobrang hirap na ng pinagdadaanan mo ngunit may hindi pa maganda pangyayari ang magaganap. Patuloy lamang maniwala na sa huli ay makakamtam din ang lahat at masusulit ang paghihirap nating pinagdaanan.

{via}

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here