Sponsored Links

Bukod sa magkaroon ng sariling bahay, marami din sa atin ang nangangarap na magkaroon ng sariling sasakyan upang mas madali nating mapuntahan ang mga lugar na kailangan nating puntahan na hindi nangangamba kahit dis-oras ng gabi dahil may sarili tayong sasakyan.

Ito rin ang pangarap at kahilingan ng isang teenager vloger na si Sophia Marcos.

Matagal na dawn a gusto ni Sophia ang mga sasakyan ng Honda Civic ngunit hindi nya akalain na sa kanyang murang edad na 18 ay magkakaroon na sya nito.

Nagsimula lang daw iyon sa simpleng post ni Sophia sa kanyang Facebook noong nakaraang taon Pinost nito ang  sasakyan sabay caption nga “ehem ehem”. Pabiro pang nagkomento ang kanyang ina na bumili na daw ng gamut bago pa lumala ang kanyang ubo. Ang hindi alam ni Sophia ay nagpaplano na talagang bumili ng sasakyan ang kanyang ina para iregalo sa kanyang 18th birthday.

Ngayong taon nga ay idinaos na ni Sophia ang kanyang kaarawan at nabili na nito ang ipinapangarap na Honda Civic na sasakyan.

“Ayon sobrang tuwa ko, sobrang grateful kay mama kasi at the age of 18 e bibilhan ako ng sasakyan. Pinrepare yun ni Mama para daw mag college ako e may gagamitin ako sakali man na malayo yung pag-aaralan ko”, banggit nito sa kanyang video.

“Super thankful ako kay mama dahil kung hindi naman dahil sa kanya e hindi naman ako makakabili nito. Pera nya to, inipon nya to para sakin and ayun sobrang thankful”, sambit pa nito habang sinusubukan ang sasakyan.

Sobrang saya ni Sophia sa regalo sa kanya ng kanyang ina at pangarap umano nito na dumating ang araw na makabili na sya ng mga properties gamit na mismo ang kanyang sariling pera at sya naman ang bibili ng mga bagay para sa kanyang ina.

“Disclaimer lang. I’m not bragging this car, Im not bragging this post but sobrang proud lang ako na meron akong nanay na sumusuporta at nagbibigay ng mga bagay na alam nyang nagpapasaya sa akin”, pahayag pa nito sa kanyang vlog.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here