Sponsored Links

Ang ama ang itinuturing at tumatayong haligi ng tahanan sa isang pamilya kaya naman kung wala ang ito sa isang pamilya ay mahihirapan ang ina na itaguyod ang kanilang mga anak lalo na sa panahon ngayon. Alam naman natin na lahat tayo ay naapektuhan ng pandemya kaya kanya-kanyang diskarte ang na lamang ang pinasok ng ilan nating kababayan para naman makaraos sa pang araw-araw na buhay.

Larawan mula kay Cristina Cabañero Birao | Facebook

Tulad na lamang ng post na ito ni Cristina Cabañero M Birao na ang hangarin niya ay mabigyan ng kaunting tulong ang lalaking nakita niya sa kalsada na nagtitinda habang kalong ang sanggol nitong anak. Hindi alintana ng lalaki ang init na dulot ng panahon at ang panganib na maaaring idulot sa anak nito.

Kwento pa ni Cristina habang binabaybay niya ang Brgy. Batasan Quezon City, napansin niya ang amang ito na kinilala niyang sa pangalang Brian, base sa kwento kay Cristina ng ama labag sa kanyang kalooban na isama ang anak na sanggol nito sa paghahanap buhay ngunit wala itong magawa sa kadahilanan walang ibang mapagiiwanan sa sanggol. Ang asawa pala ni Brian ay umalis kasama ang isa pa nilang mga anak at nilayasan na umano silang dalawa.

Ganun pa man para makatulong ipininanawagan ni Cristina sa social media ang sitwasyon ni Brian nang sa ganun kahit papaano ay mayroon makapansin at mabigyan ng tulong si Brian. Wala din naman masama sa ginawa ni Cristina pagka’t ang intensyon at hangarin nito ay malinis, para lamang din makatulong sa ulirang sanggol.

Larawan mula kay Cristina Cabañero Birao | Facebook

Narito ang buong kwento ni Cristina na siyang pumukaw ng atensyon sa socmed;
king brian A.K.A marian kung taga Barangay Batasan ka makikilala nyo sya nadaanan ko po sya habang ngttinda kasama ang isang buwang baby nya nakakalungkot kylangan nyang kumayud para mpakain ang baby nya dahil ung nanay itinakas ang isa nilang anak at kaya niya dala dala ang baby nya dahil walang mgbantay(opo naka uniform po ako at trabho ko po sana ang kuhanin sila or bgyan ng violation pero sa paliwanag nya bilang magulang naiintindihan ko po sya…)

humihingi lng sana ako ng kunting tulong para kahit papano nsa bahay nlng sna sya mgtinda para dina ma xpose ang kanyang baby sa mga gustung tumulong po pwd nyo po ako kontakin o kya sa ating brgy.dahil kulang po ang naibigay kung tulong sa knya kahit papano my pang gatas sya sa baby nya…😐😐😐😐PLS..RESPECT my post po

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here