Sponsored Links

Kakaiba ang libangan ng senior citizen na si Nanay Erlinda Isidro, sa edad na 66-anyos nakahiligan nito ang paglalaro sa video arcade kung saan target nito ang mga home appliances. Kamakailan ibinahagi ng kanyang anak na si Janine Laguidao ang post sa isang facebook group na may caption na “Yung Nanay kong kakalaro sa Tom’s World. Nakapagpalit ng AIR FRYER.” Hindi biro ang ang nakolektang tickets ni Nanay para lamang makamit ang pangarap na Air Fryer, mahigit 36,000 na libong ang tiket ang katumbas ng nasabing kitchen appliances.

Larawan mula kay Janine Laguidao | Facebook

Agad nakapukaw ng pansin ang post na ito ni Janine kaya naman marami ang napabilib at namangha sa kakaibang libangan ni Nanay Erlinda. Ayon sa salaysay ng anak ni nanay Elrlinda na si Janine sa isang entertainment website;

“Sa MOA po siya laging naglalaro. Matagal na po siya naglalaro, e,” “Hindi ko na po matandaan kung gaano katagal. Siguro po mga since 2012 po yata. “Pang-libang at palipas-oras niya lang po para mag-enjoy po.”

Larawan mula kay Janine Laguidao | Facebook

Ito na pala ang nakahiligan ng kanyang ina sa matagal na panahon at hindi lang isang uri ng arcade ang nilalaro ni Nanay bagkus mga arcade na naglalabas ng ticket ay sinusubukan nito. Marami na rin palang naipalit na tiket ang matanda ayon kay Janine at ang lahat ng ito ay ipinangreregalo din ni Nanay. Tulad ng stuff toys na kanyang nakukuha at kung anu-ano pa, pamigay din sa kanyang mga apo.

Dagdag pa ni Janine – “Super support lang po ako sa kanya 101%. Para po sa anak, suportahan lang po natin ang mga nanay natin sa kanilang kaligayahan,” “Mas mahalaga po yun para makaiwas po sila sa mga stress at problema po pag nakakapaglibang po sila at nakakapag-enjoy. For good health na din po.”

Larawan mula kay Janine Laguidao | Facebook

Kaya naman ang mga nakabasa sa post ni Janine ay namangha at napabilib sa libangang mayroon ang kanyang ina. Kaya naman bilang isang anak paalala na rin ito sa atin na maging mapagmahal sa ating mga magulang habang nariyan sila at sa panahon ngayon ibigay natin ang hilig nila lalo na kung nasa kaedaran na ang mga ito nang sa ganun kahit papaano ay makabawi man lamang tayo sa kanilang sakripisyong ibinigay sa atin noong mga bata pa tayo.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here