Home News Barbero noon, isang ganap na Doctor na ngayon: Pinatunayan niya na walang imposible kapag hindi sumuko sa buhay.

Barbero noon, isang ganap na Doctor na ngayon: Pinatunayan niya na walang imposible kapag hindi sumuko sa buhay.

0
Barbero noon, isang ganap na Doctor na ngayon: Pinatunayan niya na walang imposible kapag hindi sumuko sa buhay.
Sponsored Links

Walang imposible sa isang taong may pangarap at ginagawa ang lahat para maabot ang mga hinahangad sa buhay. Maaring may mga hadlang at sagabal na nagpapatagal para maabot ang mga mithiin ngunit hindi parin ito makakapigil para maging matagumpay.

Isang lalaki ang napahanga ang napakaraming netizens dahil sa kanyang kwento ng tagumpay. Sa kwento ni Jess Dexisne, hindi madali ang kanyang pinagdaanan sa buhay dahil sa hirap na kanilang dinanas noon. High school pa lamang sya noon at nagsimula na syang magtrabaho upang masuportahan ang kanyang pag-aaral.

Naging part-time barbero itong si Jess upang kumita lamang ng pera para matustusan ang kanyang mga pangangailangan. Subalit maliit lamang ang kanyang kinikita kaya’t may mga panahon na kapos talaga ito at napahinto minsan sa kanyang pag-aaral.

Dahil walang kakayanan na pag-aralin ng kanyang mga magulang, si Jess na mismo ang naghanap ng paraan upang makapagpatuloy ng pag-aaral. Malakas ang paniniwala nito na mararating nya ang kanyang mga pangarap, at naging motto nya sa kanyang buhay ang kasabihang, “Quitting is not an option!”

Pagkatapos nito sa high school ay nakapagpatuloy si Jess ng B.S. in Nursing. Pinagbuti nito ang pag-aaral at lalo pang sinipagan ang paghahanap-buhay kasabay ng kanyang pag-aaral. May mga panahon na nagkasakit din ito sa sobrang pagod, ngunit hindi sya sumuko hanggang sa nakapag-aral pa sya sa Med School at nakapagtapos.

Talagang kahanga-hanga itong si Jess dahil sa kanyang angking sipag at galing ay isa sya sa mga nakapasa sa nakaraang Physician Licensure Examinations. Sa wakas ay isa na syang ganap na doctor!

“Sa buhay po, napakarami talagang pagsubok — madadapa, matatalo, malulungkot po tayo — pero kailangan po natin itong pagdaanan para lumakas tayo. Ang pangaral na matututunan natin sa pagkabigo ay gawin na lang natin itong panggatong para sa ating mithiin, para maabot ang ating mga pangarap. Marami po tayong kakayahan, kapasidad at abilidad. ‘Wag po natin itong sayangin,” pahayag ni Doc Jess!

Sana ay magsilbing inspirasyon ang kanyang buhay sa mga nakakaranas ng paghihirap sap ag-abot ng mga pangarap sa buhay. Walang imposible!

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here