Sponsored Links

Kung ang isang doktor ay makapag-asawa ng isang kapwa doktor o nurse ay okay lang. O hindi naman kaya, kapag ang isang seaman ay makapag-asawa ng guro ay tanggap din naman ng karamihan. Subalit kapag ang isang tricycle driver ay nakapag-asawa ng isang engineer, marami ang magbibigay ng negatibong komento.

credit to Mr. CO Photography | Facebook

Naging viral ang isang low-budget pre-nup photoshoot ng magkasintahan pagkatapos umano na ibahagi nila ang kanilang kwento sa Facebook page na The Budgetarian Bride.

credit to Mr. CO Photography | Facebook

“Maaring hindi ideal ang aming lovestory. Engineer ako, tricycle driver sya. Pero never naming pinag awayan yung mga propesyon namin. Pwedeng tumaas ang kilay ng iba pag nalaman nila kung ano trabaho niya, pero who cares mamsh? Hahaha,” caption ng soon-to-be bride, sa kanyang post.

credit to Mr. CO Photography | Facebook

Makikita sa mga larawan na nag-eenjoy ang magkasintahan sa kanilang simple ngunit makahulugan na photoshoot dahil ipinatunayan nil ana hindi hadlang ang propesyon sa kanilang pagmamahalan, at respeto sa isa’t-isa.

credit to Mr. CO Photography | Facebook

“Hindi lahat ng kailangan mo, iaasa mo sa magiging asawa mo. Pwede niyo pagtulungan kung anuman ang pangarap ng bawat isa sainyo. Pagkalipas ng labing apat na taon, ito na. Malapit na.”, dagdag pa ng babae.

Ang naturang post ay umabot na ng mahigit 90 thousang reactions, at 94 thousand shares sa Facbook. Ayon pa sa pagbabahagi nila ng kanilang love story, hindi naging madali ang kanilang pinagdaanan lalo na ng soon-to-be groom, dahil maraming pangungutya ang natanggap niya.

credit to Mr. CO Photography | Facebook

Subalit hindi sila nagpadala sa anuman at sa kanino mang panghuhusga dahil umabot sila ng 14 na taon sa kanilang relasyon at nagdesisyon na din na lumagay sa tahimik.

Nagbigay naman ng napaka-madamdamin na mensahe ang soon-to-be bride sa kanyang fiancé, at pahayag nito,

“Without the engineer’s hard hat and tricycle driver’s vest, pantay lang tayo.

Mula noon hanggang ngayon, sa lahat ng pagbagsak at pag angat ko sa buhay, naniwala ka saakin at sa kakayahan ko. Hindi ka sumuko. Hindi tayo sumuko. Alam lahat ng kaibigan ko kung gaano ako kaswerteng ikaw ang ka “me and my jowa ko”

credit to Mr. CO Photography | Facebook

Wala tayong dapat patunayan sa ibang tao. Gusto ko lang ipagmalaki kung gaano tayo napatatag ng labing apat na taon.

Mahal kita lam.

From soon to be MRS. NOLASCO”.

Sana nga ay maging matatag pa ang kanilang pagsasama at maging mabuting halimbawa para sa mga taong umiibig anuman ang katayuan sa buhay.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here