Home News Batang nag-aaral ng modules habang nagtitinda ng balut, naging inspirasyon sa mga netizens

Batang nag-aaral ng modules habang nagtitinda ng balut, naging inspirasyon sa mga netizens

0
Batang nag-aaral ng modules habang nagtitinda ng balut, naging inspirasyon sa mga netizens
Sponsored Links

Ano ang kaya mong gawin para sa iyong edukasyon? Dito sa Pilipinas, mahirap ang makahanap ng magandang trabaho kapag hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral.

Kaya naman, maraming tao ay hahamakin ang lahat para lamang makapagpatuloy sa pag-aaral ang kanilang mga anak. Ngunit hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay may kakayanan ang mga magulang na pag-aralin ang mga anak.

Vanessa Belonio | fb

Kaya naman ay may mga estudyante at mga kabataan na naghahanap ng paraan upang makapagpatuloy sa pag-aaral.

Isa na marahil ang batang naging viral pagkatapos na ibinahagi ng netizen na si Vanessa Belonio ang kanyang nasaksihan.

Nakakabilib at nakaka-antig ng damdamin ang isang lalaki na makikitang nag-aaral ng kanyang modules habang nagtitinda ng balut sa kalye kahit na madilim at gabi na. Maaring nababasa naman nya ang kanyang aralin dahil sa ilaw ng kanyang kariton para sa kanyang mga paninda, ngunit hindi parin ito madali dahil hindi sya nakaupo.

Vanessa Belonio | fb

Ang larawan ay kuha mula sa harap ng plaza ng Victorias City, malapit sa 7-eleven sa Negros Occidental.

Marami nga ang nahihirapan ngayon sa “new normal” na pamamaraan ng pag-aaral dahil ito ay ginagawa online at ang iba ay sa pamamagitan ng mga modules na sasagutan at pag-aaralan. Marami ang nagrereklamo dahil mahirap ang ganitong sistema.

Samantala, nakakabilib ang ginagawang pagsusumikap ng batang nagtitinda ng balut habang nag-aaral. Mas doble ang hirap ang kanyang dinadanas dahil kinakailangan pa nyang maghanap-buhay para sa kanyang pag-aaral at para sa kanyang mga pangangailan.

“I felt his urge to pursue his studies despite the situation he’s in. I was inspired at the same time, because I am also a student. I believe God will bless him more because of his dedication and I wish he reaches his goals in life,” caption ng netizen na si Vanessa na nag post ng mga larawan sa Facebook.

https://www.facebook.com/DailyGuardianPH/posts/3776766555676615

Sana ay magsilbing inspirasyon ito sa mga kabataan at mga estudyante na magsipag sa kanilang pag-aaral dahil mas mahirap pa ang dinaranas ng iba ngunit hindi sila sumusuko at patuloy na nagsusumikap makamit lamang ang edukasyon.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here