Home News Anak ng parking attendants, nakikitang nag-aaral ng kanyang modules sa ilalim ng puno ng Acacia habang naghihintay sa mga magulang

Anak ng parking attendants, nakikitang nag-aaral ng kanyang modules sa ilalim ng puno ng Acacia habang naghihintay sa mga magulang

0
Anak ng parking attendants, nakikitang nag-aaral ng kanyang modules sa ilalim ng puno ng Acacia habang naghihintay sa mga magulang
Sponsored Links

“Mag-aral ka ng mabuti dahil iyan ang mag-aahon sa iyo sa kahirapan”, “Mag-aral ka ng mabuti upang magkaroon ka ng magandang trabaho, madali kang mapromote, at maging matiwasay ang iyong buhay.” Ilan lamang ito sa mga kataga na madalas natin marinig sa ating mga magulang kapag pinag-uusapan ang pag-aaral at kahalagahan ng edukasyon.

Hindi madali ang buhay sa karamihan. Hindi lahat ng tao ay ipinanganak na may kakayanan na bilhin ang mga gustong bilhin, makakain ng maayos na pagkain, at makapag-aral. Hindi lahat ng mga magulang ay kayang pag-aralin ang kanilang mga anak hanggang makatapos ng kolehiyo.

Isang malaking biyaya na maituturing kapag ikaw ay nag-aaral na hindi na pinoproblema ang iyong pang tuition o pambayad sa mga libro at iba pang pangangailangan sa pag-aaral.

Samantala, marami pa rin ang hindi basta-basta sumusuko at nagpapaapekto sa kahirapan, at patuloy na nagsusumikap upang makabangon at magbago ang buhay.

Kagaya na lamang sa post na ibinahagi ng isang netizen sa Facebook kung saan makikita sa isang larawan ang isang bata na nakadamit pambahay at nag-aaral ng kanyang mga module sa ilalim ng puno ng Acacia.

Ayon kay Jefferyl Kae Pandac, nakita nya ang bat ana nag-aaral doon at nagtataka ito bakit naroon sya kaya tinanong nya sa guwardya kung sino ang batang iyon.

Napag-alaman nito na ang bata ay anak ng “parking attendant” sa gusaling pinagtatrabahuan nito. Ayon sa post ni Jefferyl “This boy inspired me today. As classes start, he is working hard to answer his modules under the shade of the acacia tree. The guard told me that he is the son of the two parking attendants near the building where I work at. You see, this boy really values education. I hope you become successful someday. Padayon lang sa pagkat-on!”

https://www.facebook.com/JefferylKae/posts/3685600691470200

Mahirap man ang buhay ngayon para sa batang ito ngunit dahil sa ipinapakitang determinasyon at pagsisipag sa pag-aaral ay hindi imposible na maging matagumpay ito balang araw.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here