Home News Viral Boxer Carlo Paalam, pinuri sa pagiging masinop sa kanyang premyong nakamit sa pagsabak sa Olympics

Boxer Carlo Paalam, pinuri sa pagiging masinop sa kanyang premyong nakamit sa pagsabak sa Olympics

0
Boxer Carlo Paalam, pinuri sa pagiging masinop sa kanyang premyong nakamit sa pagsabak sa Olympics
Sponsored Links

Hindi lahat ay mabibigyan ng pagkakataon at hindi lahat habang buhay malakas darating ang araw na may mga bagay tayong hindi na natin kayang gawin kahit anong pilit pa ng ating isipan. Marami din sa atin ang makahawak lamang ng kaunting pera ay agad napupunta sa walang kwentang bagay.

photo credit to carlo paalam | facebook

Ilan sa mga atletang pinoy ang dumanas ng kahirapan matapos balewalain ang kanilang mga pinaghirapan. Sa madaling salita hindi nila pinag-ingatan ang kanilang biyayang tinatamasa noong panahong nasa rurok karangyaan at kalakasan.

photo credit to carlo paalam | facebook

Mabuti na lamang ang Olympian Boxer na Carlo Paalam ay naging masinop at madiskarte sa kanyang napanalunang gantimpala. Matatandaan si Carlo Paalam ay nagkamit ng medalyang pilak sa Tokyo Olympics sa larangan ng pagboboksing. Muntik na rin nitong masungkit ang gintong medalya ngunit nabigo sa britanyong kalaban na si Galal Yafai na siyang nakakuha ng gintong medalya.

photo credit to carlo paalam | facebook

Makulay din ang naging buhay ni Carlo na kilalang basurero sa lugar nila ngunit sa paglipas na panahon unti unti nitong hinubog ang husay sa pagboboksing hanggang sa magkaroon ng tyansa na makasali sa mga kumpetisyon at mabigyan ng pagkakataon na mapabilang sa Boxing team ng ating bansa.

Samantala naging inspirasyon sa marami lalo na sa mga kabataan ang naging kapalaran ni Carlo na hindi nawalan ng pag-asa at nagsumikap upang makamit ang pangarap. Ang nakuhang gantimpala ni Carlo ay kanyang inilagak sa negosyo kung saan nagpatayo ito ng sari-sari store at paupahan. Kaya naman sa hakbang na ginawa ni Paalam ay marami ang humanga at pumuri dito.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here