Sponsored Links

Sadyang mapagbiro ang tadhana hindi mo akalain na kung minsan nasa laylayan ka ay makakaahon ka rin sa pala mula sa ibaba. Ang sabi nga ng iba basta mayroon kang pangarap at ginagalawan mo ito walang imposible samahan mo pa ng panalangin, garantisado sa tamang panahon aanihin mo ito.

Ganito ang naging buhay ng isang dating riles boy kung tawagin na si Henry Gruta sa edad na sampung taong gulang tumayo na bilang magulang sa kanyang mga kapatid. Lumaki sa riles si Henry kung saan siya namulat at nagkaroon ng pangarap na makaahon sa kahirapan. Sinikap nitong makapag-aral at habang ginagawa niya ito sa kada bakanteng oras niya ay nag-tratrabaho o nagtitinda siya ng kung anu-ano matustusan lamang ang kanyang pag-aaral.

image credit to rated korina | yt

Naging waiter, maglalako ng meryenda, sabon at iba pa para lamang mabuhay araw-araw. Kalaunan nakapagtapos ng kolehiyo si Henry sa kursong AB Economics at nakapagtrabaho. Sa pagpapatuloy ng kanyang buhay bilang breadwinner ng pamilya, napapadpad ito sa Nueva Ecija ng dahil na rin sa kanyang trabaho at di kalaunan ay nakilala nito ang kanyang asawa na ngayon na si Jean.

image credit to rated korina | yt

Si Jean ang nagsilbing katuwang ni Henry sa hirap man o ginhawa, ngunit sadyang mailap pa rin ang kapalaran. Hirap pa rin ang kanilang naranasan bilang mag-asawa sa probinsya kaya naman kalaunan nagpasya silang bumalik sa Maynila kung nakapagtayo sila ng maliit ng negosyo at dito na nagsimula ang lahat.

image credit to rated korina | yt

Mahirap man sa simula nalagpasan nilang mag-asawa ang kahirapang ito, sipag at tyaga ang naging puhunan. Sa siomai nagbago ang kanilang buhay, tinangkilik ito at hinanap-hanap ng kanilang mga parokyano. Nagulat sila ng kinahiligan ito ng mga tao hanggang sa kumuha na sila ng pwesto at nagkaroon ng iba’t ibang pwesto sa panig ng ating bansa. Sa ngayon halos 200 na ito at siya na rin ang supplier sa mga ito.

image credit to rated korina | yt

Nakapagpatayo na rin siya ng kompanya ng siomai sa Pampanga at may walong truck na kanyang ginagamit sa pagdeliver ng mga produkto. Mayroon na rin silang mansyon na maituturing kung dati ay sa riles lamang ngayon ay maginhawa at maaliwalas ang kanilang tinitirhan. Tunay nga na hindi malabong makamit lahat bagay ng ating pangarapin basta ating pagsisikapan.

{via}

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here