Home News Dahil sa “Sana All” Girlfriend Binilhan ng Motor ang Boyfriend

Dahil sa “Sana All” Girlfriend Binilhan ng Motor ang Boyfriend

0
Dahil sa “Sana All” Girlfriend Binilhan ng Motor ang Boyfriend
Sponsored Links

Naging usong expression na nga ng karamihan ang mga katagang “sana all” kapag nakakakita ng mga bagay o mga tao na may magandang karanasan sa buhay o sa relasyon.

photo by Angel Dy | Facebook

Minsan ginagamit din ang mga salitang ito na nagpapahiwatig na ang taong nagbabanggit at nagnanais na magkaroon din ng bagay na kanyang nakita sa iba. Gaya lamang ng “sana all”ay may magarang buhay at bahay kagaya ni Jinkee Pacquaio.

Ang mga salita ay madalas gamitin ng mga millennial. Nakakaaliw din kung minsan dahil ito ay ginagawang biro. Subalit dahil sa madalas na pag gamit umano ng mga salitang “sana all” sa bawat post ng kanyang boyfriend, napagpasyahan na lamang ni Angel Dy na bilhin na ang pangarap na motor ng kanyang kasintahan.

photo by Angel Dy | Facebook

Iniregalo ni Angel ang isang NMAX2020 na motor sa kaarawan ng kanyang boyfriend. Ito umano ay kanyang nabili dahil sa kanilang kinita sa kanilang negosyo na 20:20 Yummerz Haus kung saan naglalaman ng iba’t-ibang paninda kagaya ng mga pagkain, gadgets at iba pa.

Makikita sa mga larawan na masaya talaga ang kanyang boyfriend sa naging sorpresa sa kaarawan nito.

photo by Angel Dy | Facebook

Nagpapasalamat naman si Angel sa tiwala ng kanyang mga magulang sa pagpayag sa kanilang pagnenegosyo kahit na medyo kaunti lamang umano ang kanilang kinikita. Pati narin sa kanilang pagtulong sa mga kinakailangan upang mabili ang motor.

Nagpapasalamat din ito sa mga tumulong sa kanila kahit sa simula pa lamang ng kanilang pagnenegosyo.

photo by Angel Dy | Facebook

Hangad umano nila Angel na lumago pa ang kanilang negosyo at maging maganda ang kita upang makamit nila ang kanilang mga minimithi at pinapangarap.

Isa ka rin ba sa mahilig mag “sana all” sa mga posts sa Facebook? Maaring ikaw na ang susunod na may matatanggap na sorpresa.

“Sana all” girlfriend ay kagaya ni Angel Dy, at sana all din ay kayang bumili ng motor bilang pang regalo.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here