Sponsored Links

Ang bahay kubo ay isa sa mga sumisimbolo ng kulturang Pilino. Ito na ang nagsilbing tahanan ng mga katutubong Pilipino bago pa man dumating ang mga Espanyol sa bansang Pilipinas.

Zamora Architects

Ang bahay kubo ay isang uri ng bahay na gawa sa pinagdikit-dikit na kawayan at bubong na gawa sa dahon ng nipa o anahaw. Idinisenyo ito para labanan ang mainit na klima ng Pilipinas.

Zamora Architects

Sa panahon ngayon, marami pa rin ang gumagamit ng bahay kubo. May mga tao pa rin na ito ang mas pinipiling gawing tahanan sapagka’t mura lamang ang mga materyales at hindi mahirap itayo.

Sa katunuyan, trending ngayon sa internet ang isang bahay kubo na dinisenyo ng Arkitektong si Zeus Zamora mula sa Tagbilaran, Bohol. Ang kanyang idinisenyo ay isang “modern style”na bahay kubo.

Zamora Architects

Sa unang tingin palang ay makikitang napakaganda talaga nito. Gumamit rin siya nga mga solar panels at rainwater collector para masigurong eco-friendly ito. May iilan rin siyang ginamit na tradisyonal na materyales gaya ng kawayan para hindi mawala ang traditional vibe nito.

Nagpapasalamat naman si Zeus sa lahat ng naka appreciate ng kanyang disenyo. Ayon pa sa kanya, kaya niya ginawa ang disenyong ito dahil siya rin mismo ay mahilig sa “tiny house living”.

Zamora Architects

Marami rin ang nagtatanong kay Zeus kung magkano ang Project Cost ng bahay kubo kaya ipinaalam niya rin ito sa mga netizen. Ayon sa kanya, aabot ng humigi’t kumulang sa ₱875,000 ang project cost. Sinabi niya ring “rough estimate” palang ito at pwede pang magbago ang presyo. Hindi rin kasama dito ang mga professional fee, building permit at iba pang mga bayarin.

A modern take on the traditional "Bahay Kubo" for a proposed Tiny House design…#tinyhouse #bahaykubo…

Posted by Zamora Architects on Monday, 10 August 2020

Bukas rin si Zeus sa mga suggestion at feedback para mas mapabuti pa ang kanyang desinyo. “I’m also open to your suggestions on how to improve the building design and quality so let me know. If you’re really into my design you can just PM this page and let me know so we could discuss with the details and notify you with an update regarding on finalizing the plans, details and estimates since i still have to work on it,” pahayag ni Zeus.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here