Sponsored Links

Marami na ngayon sa atin ang mas nagnanais na magkaroon ng maliit na bahay ngunit kakaiba ang desinyo. Bukod sa dahilang ito ay mura ay mas nakakapagisip pa ng magandang desinyo. Kung ating mapapansin ay marami na ang mga trending na bahay o rest house na lumalabas ngayon sa social media.

Nito lamang nakaraan ay naging trending din ang Valeo Tiny House na hango lamang ang desinyo sa panunuod ng isang TV show sa Netflix. Ito ay naging tamang panahon din para maging venue ng 2nd Birthday ng kanilang anak.

“We were watching Tiny House Nation on Netflix and remembered the old bodega. We thought it would be a good space where we can hold our daughter’s 2nd birthday. “

“We worked with sketches made at the back of receipts, planned the electrical placements, and even the plumbing.”

Makikitang sa bedroom ay mayroong kama at lamesa na fit na fit sa temang vintage ng Tiny House na ito. Mayroon din itong kusina, lounge at banyo na mala-mid-century ang datingan. Hindi lahat ng nagpapagawa ng bahay ay maayos, ang iba ay nagkakaroon ng mga aberya kagaya na lamang ng naranasan nila Feliz ngunit naging masaya pa rin naman sila sa naging resulta nito.

Ang isa sa nagpadagdag ng ganda ng Tiny house na ito ay ang kanilang roof deck na magsisilbing pahingahan ng kanilang pamilya. Mayroon din silang outdoor area na kung saan ay pwedeng maging receiving area ng mga future bisita nila. Hango nga sa desinyong vintage ay mayroon itong kaunting furnitures at dekorasyon na talaga namang relaxing.

Naging wais si Feliz sa mga naging investment niya sa mga gamit na inilagay niya sa kanilang tiny house kung kaya’t nakatipid sila.  Ayon pa sa kanya “For the door, we had an old sliding door and we just called a glass supplier to ask if we can use it. We only spent money for a new frame. “

Sunod sunod na ang nakikita nating inspirasyon sa mga tiny house sa Pilipinas kung kaya’t hindi na rin nakapagtataka kung bakit marami na ang nagpapagawa ng ganitong klase ng bahay.

{via}

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here