Sponsored Links

Isa sa mga pangarap ng mga magulang ay ang mapagtapos ang kanilang mga anak. Ito ay hindi lamang dahil responsibilidad nila ito bagkos ay dahil mahal ng bawat magulang ang kanilang mga anak. Marahil ay nakababasa tayo ng mga kwentong pagsusumikap ng mga magulang mapagtapos lamang ang kanilang mga anak. Gaano man kahirap ang buhay ay priority ng mga magulang ang kinabukasan ng kanilang mga anak kagaya na lamang ng isang tatay na pagbabasura ang naging trabaho mapagtapos lamang ang kanyang anak.

Sa isang Facebook post ni Junnel Gemida ay buong tapang niyang ibinahagi kung paanong siya ay napagtapos ng kanyang ama sa pagbabasura lamang.

“flex ko lang ang tatay ko kahit basurero siya napagraduate niya ako,” ayon kay Junnel. Ang post na ito ni Junnel ay lubos na hinangaan ng mga netizens kung kaya’t umabot ito ng libo-libong reactions at shares.

Ang ama ni Junnel na si tatay Juanito ay 51 taong gulang na. At dala ng katandaan ay lumabo na ang mata nito kung kaya’t ang pagiging driver ay hindi na niya kaya. Ayon kay tatay Juliano naging malaking hadlang na ang paglabo ng kanyang mga mata para makita ng maayos ang daan sa tuwing siya ay magmamaneho. Dahil sa nararamdamang ito ni tatay Juanito ay kusa na lamang siyang umalis sa kanyang trabaho bilang family driver para sa kaligtasan ng lahat. Nahirapan rin siyang makahanap ng bagong trabaho dahil sa kanyang sitwasyon.

Ang kanyang asawa naman na si Nanay Conrada ay isang janitres na katulong niya sa pagpapa aral sa kanilang dalawang anak.

“Kaya nga lahat gingawa ko itaguyod ko anak ko,” ayon kay tatay Juanito. “Payo ko sa anak ko…pagbutihin niya ang pag-aaral…yan lang imamana ko sa inyo,” sabi pa ni Tatay Juanito.

Ang nais ni Tatay Juanito ay makapagtapos ang kanyang mga anak. “iniisip ko lang imotivate ko lang yung sarili ko na..magsisikap talaga ako para sa tatay ko. Gagawin ko talaga lahat para maka-graduate,” pagkwento ni Junnel.

Hindi hadlang ang kahirapan ng buhay upang umunlad ang isang tao. Ang kailangan lamang ay determinasyon at pagsusumikap.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here