Sponsored Links

Masasabi mong kay buti talaga ng panginoon alam niya kung sino ang higit na nangangailangan at bawat pangyayari sa buhay natin ay may dahilan. Hindi mo man makamit ang bagay na pinapangarap mo ngayon kahit ano pang pagsisikap mo pero kapag handa kana buhos at higit pa ang ipapagkakaloob sa iyo ng ating Panginoon.

Larawan mula kay Beverly Maquiñana | Facebook

Ganito ang istorya at karanasan sa buhay ni Beverly Maquiñana, nagbahagi ng kanyang karanasan upang maging halimbawa sa iba at ituring na rin na inspirasyon ang kanyang napagdaanan sa buhay. Mula sa social media group na Home Buddies kung saan makakakuha ka ng mga inspirasyon, ideya at iba’t ibang paksa na may kinalaman sa bahay o magkakapitbahay, ay nagbahagi si Bb. beverly ng kanyang kwento na halos makakarelate ang karamihan.

Larawan mula kay Beverly Maquiñana | Facebook

Saad ni Beverly lumaki siya sa isang squatter na lugar ng Recto kung saan noong mga panahon na iyon ay sobrang payat niya at dumidiskarte lamang ng makakain mairaos lamang ang isang araw. Sa madaling salita salat sa buhay o ipinanganak na mahirap. Dagdag pa ni Beverly pati mga gamit sa paaralan ay pinanghihiram lamang niya makapasok lamang, nakaranas din umano silang mag-anak na magpasko sa kalsada kung saan dalawang beses pa umano silang nasunugan ng bahay.

Larawan mula kay Beverly Maquiñana | Facebook

Noong tumuntong naman siya ng 18-anyos kung saan nakapagtapos na siya ng high school agad naman siyang naghanap ng trabaho sa kabutihang palad natanggap siya sa kanyang inaplayang trabaho, ngunit nakaranas siya pangungutya kung saan sinasabihan pa siya di umano ng mga katrabaho nito ng walang mararating at hanggang doon na lamang. Sa puntong ito hindi man maganda ang nararanasan, hindi bumitaw si beverly sa ating Panginoon. Anya madalas niyang idinadasal ang kanyang mga nararanasan sa buhay.

Larawan mula kay Beverly Maquiñana | Facebook

Nagpatuloy lamang siya sa buhay at hindi pinansin ang mga tumatahol sa kanyang paligid, saktong apat na taon ng pagtratrabaho sa ating bansa may isang oportunidad na kumatok sa kanyang buhay. Ang makapagtrabaho sa ibang bansa, nang alukin siya ng bank company na magtrabaho sa Hong Kong halos hindi siya makapaniwala. Sa sobrang galak napaluha na lamang siya habang ipinapakita ang papel na may kalakip na Job offer sa kanya.

Larawan mula kay Beverly Maquiñana | Facebook

Lumipas ang tatlong taonng pagtratrabaho sa HongKong, si Beverly ay nakapag-ipon at nakapagpatayo ng bahay na kanyang iniaalay sa kanyang mga magulang. Lubos ang kanyang pasasalamat sa mga ito dahil iginapang ang kanyang pag-aaral. Sa ngayon napapaaral na rin Beverly ang kanyang mga kapatid sa private universities.

Sa edad na 25-anyos nakamit ni Beverly ang matagal na niyang ipinagdadasal, hindi man mabilisan niyang nakuha ngunit nasa perpect timing talaga ng ating mahal na Panginoon. Kaya naman sa mga iba diyan na nawawalan ng pag-asa, magoatuloy lamang kayo at huwag bumitaw sa pangarap. Palaging magdasal sa Diyos Ama at makakamit din natin ang ating inaasam-asam sa buhay. {via}

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here