Sponsored Links

Nakakataba ng puso para sa isang magulang ang maalala ng kanilang mga anak ang sakripisyong ginawa ng mga ito para sa kanilang supling. Kung ating babasehan sa panahon ngayon bihira na ang mga anak na tumatanaw ng utang na loob sa kanilang mga magulang. Hindi man utang na loob na masasabi para sa iilan marahil ang pagpapahalaga sa mga nagawa ng mga ito.

Larawan mula kay TJ Tenedero | Facebook

Kaya naman marami pumuri at nagbigay ng positibong komento sa isang lalaking nagtapos ng kanyang pag-aaral at hindi kailanman ikinahiya ang kanyang naging kalagayan o katayuan sa buhay. Siya si Thomas John Caraan Tenedero na tubong Calamba Laguna, aminado si TJ na siya ay laki sa hirap mula ng mamulat siya sa mundong ibabaw. Saksi siya sa paghihirap ng kanyang mga magulang at kung papaano siya iginapang ng mga ito makapagtapos lamang ng pag-aaral.

Larawan mula kay TJ Tenedero | Facebook

Sa riles lumaki si Tj at ang kinagisnan niyang hanap buhay ng kanyang magulang ay pagbabasura kung sa iba ang basura ay wala ng kwenta para sa kanilang pamilya ito ay pera. Sa loob ng dalawamput apat na taon ito ang naging hanap buhay ng kanyang ama, at ang trabahong pangangalakal ang naging sandala nilang magpapamilya upang makaraos sa araw-araw.

Kwento ni Tj maaga pa lang gumigising na ang kanyang ama upang magkape at ihanda ang mga kakailanganin nito sa pangangalakal. Bandang alas nuebe ang umaga o alas diyes makakauwi ang kanyang ama kung saan dala-dala nito ang mga kalakal sakay ng improvise trolley na inilaatag niya sa riles upang doon paandarin.

Larawan mula kay TJ Tenedero | Facebook

Sa paglipas ng panahon nagkaroon ng pagkakataon si TJ na makapag-aral sa University of the Philippines dahil na rin sa kaibigan ng kanyang ina na umuwi galing ibang bansa, dito nagkaroon ng ideya si TJ kung ano ang ibig sabihin ng UPCAT kung saan kalaunan ay nakapasa ito at nakapasok sa UP.

Larawan mula kay TJ Tenedero | Facebook

Basahin ang buong kwento ni TJ, ang hirap na pinagdaanan niya at kung paano siya nakaahon at pasalamatan ang kanyang mga magulang sa mga nagawa nitong sakripisyo simula ng bata siya hanggang makapagtapos ng pag-aaral. TJ post

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here