Sponsored Links

Totoong may pera sa basura, sa sipag at sa tyaga, dagdagan pa ng malikhaing imahinasyon. Hindi madali ang ating pinagdaanan dahil sa pagdating ng pandemya. Marami ang nawalan ng trabaho at hanapbuhay, marami ang nahinto sa pagnenegosyo dahil wala nang mga taong bumibili.

photo credit to Bianca Mateum | Facebook

Subalit, hindi parin ito naging hadlang upang makapagpatuloy tayo sa ating mga buhay. Kagaya na lamang ng isang pamilya na nakapag simula ng kanilang negosyo dahil sa mga “basura” na kagamitan galing sa isang factory.

photo credit to Bianca Mateum | Facebook

Ibinahagi ng netizen na si Bianca Mateum sa isang Facebook Group na “Buhay Zero Waste”. Ayon kay Bianca, malaking tulong sa kanilang ang mga basura na maituturing ng kompanya na pinagtrabahuan ng kanyang ama.

“Eto po ay dapat papuntang landfill but my tatay’s former company opted to send a truckload to us instead. Owner knows nanay will turn them to something useful and beautiful,” pagbabahagi nito sa Facebook.

photo credit to Bianca Mateum | Facebook

Hindi lamang ito hanapbuhay sa kanilang pamilya kundi is ana rin bonding moment dahil tulong-tulong sila sa pagnenegosyo. Ang nanay Gigi ni Bianca ang gumagawa at nanahi ng mga tiring retaso at tela mula sa mga vertical at roll up blinds.

photo credit to Bianca Mateum | Facebook

Ginagawang mga purses, bags, at accessories ni nanay Gigi ang mga retaso. Tunay ngang napakamalikhain nito at nakatulong pa sila sa kalikasan. Si Bianca naman ang tumutulong upang mabenta ng mabilis ang mga gawang gamit ng kanyang ina sa pamamagitan ng online selling.

“We’re really grateful sa ‘basura’ po ng company nila tatay at sa creativity ng nanay ko sa pagtahi ng bags at accessories. Malaking tulong po itong naging business namin sa panahon po ngayon na hirap po tayong magmanage ng plastic waste, at syempre limited source of income. Sipag at tiyaga lang po para makabenta” pahayag ni Bianca.

photo credit to Bianca Mateum | Facebook

Tunay ngang hindi kailangan ng malaking halaga upang makapagsimula ng munting negosyo. Lawakan lamang ang imahinasyon, maging masipag at matyaga, tiyak na kikita ng salapi.

{via}

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here